Dahil sa isang FEUSF story

2.1K 19 0
                                        

Dahil sa isang FEUSF story

"Nag-o-omegle din ako nun nung nakilala ko 'tong guy na 'to from FIT. BSIT-Digital Arts yung course niya. He is not pervert like the usual guys na nasa omegle. Edi ayun, nagkakuhaan kami ng twitter, fb and number. Madalas mag-usap, naging clingy, nagkita na rin kami and ayun, nandun na kami sa stage na "Parang kami pero hindi." Not because ayaw namin ng commitment, but because we want to know each other more before we settle into a relationship. Ayaw din naming magmadali. After I met him, never na akong nag-omegle ulit. (and siya din daw) parang tinigil na namin yun dahil sa isa't isa.

So eto na nga yung kwento, hilig naming yung magbasa dito sa page na 'to. We talk about some confessions na nababasa namin dito. And one time, nabasa ko 'tong story entitled "Boy Odd". Nung binabasa ko yung pagkaka-describe ni sender sa nakausap niya from BSIT-Digital Arts din, nag init yung ulo ko. Nasa isip ko na baka siya yun, na niloloko niya ko, na-paranoid nang di oras. Iniisip ko bakit hindi man lang niya sinabe na nag-o-omegle parin siya. Kasi kung ide-describe ko siya? Same kami ng description ni ateng sender. So ayun, hindi ko na sana babanggitin sakanya but bigla niya kong chinat.

NV:
Him: May nabasa ako sa FEUSF akala ko ako wth
Me: ako din akala ko ikaw. Aawayin na sana kita eh.
H: Hahahahaha babe di naman ako nag-poem no.
M: Sus.
H: Hala. frown emoticon ay babe akala ko magpapalit ka ng DP? Hahaha *tinatry niyang baguhin yung usapan*
M: Ayoko na pala.
H: Babe naman eh. frown emoticon hindi nga ako yun. Ikaw yung huli kong nakausap sa omegle diba? Ikaw nga lang yung nakuhaan ko ng twitter eh.
M: Oo na.
H: Hays. Wala kang tiwala eh. unsure emoticon
M: Mag-o-offline muna ko ha? Hihiramin ni mama yung laptop eh. Sige text kana lang after mo magcharge.

*then he texted me agad*

H: Babe frown emoticon
M: Hays. I love you! :** frown emoticon
H: Iloveyoumore :**** Sabi ko naman sa'yo babe hindi ako yun eh. Hindi naman Kiko yung pangalan ko.
M: Eh uso naman screen names sa omegle eh. Tss. Tigilan mo na ko kung ayaw mong tigilan yang omegle na 'yan.
H: BABE NAMAN ANG LAYO NG PANGALAN KO SA KIKO! WAG KA NAMANG GANYAN. MATAGAL KO NANG TINIGIL YAN IKAW NGA LAST KONG NAKAUSAP DIBA SINABI KO NA SAYO. MANIWALA KA NAMAN OH frown emoticon
M: Okay fine. Naniniwala na ko. frown emoticon Ayoko lang kasi ng ganun. Pano pag nakakilala ka na ng bago dun? Tapos magiging close kayo then makikilala mo siya tapos hays frown emoticon Kaya kung nag-o-omgle ka padin tigilan mo nalang ako. Pag nakakilala ka na ng bago dun hindi mo na ko kelangan. _
H: So sinasabi mong ginagawa lang kitang libangan. Chaka sinabi ko nang ikaw yung last na nakausap ko diba? Paulit ulit nalang. frown emoticon
M: Hays okay fine. Sorry na. Hayaan na natin yun. Di na ko galit. I love you! _______

And ayun, na-settle din namin agad. Oh diba, parang kami pero hindi? Hahahahaha pero kahit ganun love ko pa rin yung baby ko na yun. The last text I got from him was "Matutulog na ko, medyo pagod e. Wag na mag-isip ng mag-isip dyan babe hindi ako yun promise babe ikaw lang talaga iloveyou baby ko :*"

Kaya yung mga nagkakilala jan sa omegle, pag may something na sainyo or kayo na. Wag nang mag-omegle pa. Stay loyal and faithful to him/her. Yun lang naman yung point ko kaya ko 'to sinend e. Hahahaha

P.S Hanggang ngayon hindi ko alam kung anong label namin. Hi baby! Alam kong nagbabasa ka dito. Hahahahahaha sabi ko naman sa'yo one day story natin yung mababasa mo dito eh. tongue emoticon Sorry kung napaka-ano ko kahit na hindi naman tayo. Someday babe diba? Lol miss na kita iloveyouuuu!!"

Girlfriend(?)
2015
Other


The FEU's Secret FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon