One of the Boys
"I'm certified ""one-of-the-boys"". Sa bahay at sa school. I am the princess in our house. 4 lang kami sa bahay, ako si daddy dalawa kong kuya and yung bunso kong kapatid na lalaki. Lumaki ako sa piling ng mga lalaki. Hindi ako yung babaeng, puro babae yung tropa, wala eh nasanay kasi ako na lalaki lagi kasama.
2nd year hs, nasa cream section ako. Barkada ko mga lalaki. Nagkaron ng forum, ako na pala yung pinatatamaan. Kesyo ang landi ko daw puro lalaki kasama ko. Mga ganon, pero dedma lang. 3rd yr hs, nagkaron ako ng grupo. This time puro babae na. Nice! Hahahaha. Kala ko totoong mga kaibigan na sila. Hindi pala. Ginawan mo na ng mabuti, pina plastic ka pa din. Bakit!?
College, puro lalaki ulit kasama ko. Sa kanila, ramdam kong safe ako kahit mga gago yun. Sabi nga nila, ""ikaw yung prinsesa ng tropa namin kaya iingatan ka namin."" Sobrang saya ko nung time na yun. Sa mga nagsasabing, pangit tingnan yung ganitong style SORRY pero para sa akin walang masama sa ganito. Masyado lang judgemental yung mga tao. Mas masaya kasi yung tropang walang plastikan at less drama kapag kasama mo mga lalaki.
Shoutout nga pala sa mga tropa ko dyan. HAHAHA! Please huwag niyo akong ita-tag. Mahal ko kayo. Yuck!"
hindiakolesbian
2013
Institute of Accounts, Business, and Finance (IABF)
FEU Manila
