Inlove kay Bes

1.3K 13 0
                                        

Inlove kay Bes

"Hi babe smile emoticon Alam kong mababasa mo to once na mapost to kasi diba avid reader ka dito? Saved pa nga tong page na to sa facebook mo para everytime na magbubukas ka ng FB ito agad bubungad sayo smile emoticon

Two years na tayo. Pero sa two years na yun, wala akong naramdamang pagmamahal mula sayo. Oo, wala. Parang sunod-sunuran lang ako sayo. Pag sinabi mo, dapat gagawin ko kung hindi mag-aaway tayo. Pero alam mo ba kung bakit ko piniling ituloy pa rin ang relasyon na to kahit ang sakit-sakit na? Dahil mahal kita. Mahal na mahal. Kahit naman alam kong ginagamit mo lang akong tulay para maging close kayo ng bestfriend ko.

More than two years ago, nagkakilala kayo ng friend ko sa bus, naging close kayo tapos noong nalaman mong boyfriend ng bestfriend ko ang kuya ko, sinabi mo sa kanya na baka may irereto siya sayo. Ako naman noong mga panahong yon e single kaya pinakilala niya tayo sa isat-isa. Niligawan mo ko ng ilang buwan, hinayaan lang kita kahit alam kong kaya mo lang ako nililigawan e dahil nga sa bestfriend ko. Alam ko namang siya talaga ang gusto mo e, lumalabas kayo ng di ko alam. Nagtatawagan kayo kahit madaling araw. Nagsisimba kayo ng magkasama. Di ba dapat tayo ang gumagawa noon? Pero ayos lang naman sakin e, pero ung palihim mo siyang niyayayang lumabas? Iba na ata yun. Nagaaway na nga sila ni kuya dahil sayo e, naglalasing na si kuya sa sobrang selos, pinipigilan ko lang. You never looked at me the way you looked at her. You never held my hand the way you hold hers. You never smiled at me, the way you smiled at her. Never mong ginawa sakin ang lahat ng bagay na ginawa mo sakanya. Pero okay lang, mahal naman kita e. Kaya kong tiisin basta sakin pa rin ung titulong girlfriend mo.

Happy 24th month baby (01-02-16) smile emoticon I love you to the moon and back smile emoticon"

Princess of Pain
2015
Institute of Arts and Sciences (IAS)
FEU Manila

The FEU's Secret FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon