Tinamaan ang puso kong bato
"Papunta ako ng Feu morayta para kitain ang aking kapatid, graduate na pala ako (congrats to me). Habang nasa jeep ako, may sumakay na Nanay na may hawak na sanggol at mga 5yr old na bata siguro. May katawag si nanay. Hindi ko sila tinitignan pero kita ko sa peripheral view ko.
Nanay: Oho nay, kakaluwas lang namin. Papunta na kami sa ospital.
(habang nakikipag usap sya sa phone sumisingit yung bata)
Bata: Mommy pupuntahan natin si daddy diba? Makikita natin siya (masayang tono)
N: (napatigil sandali, nagiba ang boses) Nak, wala na si daddy. Kasama na niya si lola.
B: San siya punta? Punta tayo dun.
N: Nak, (niyakap ang anak) nasa langit na si daddy di na natin siya makakasama (naiiyak na yung tono ng boses niya)
B: Bakit mommy? San siya punta? Gusto ko makita (naiiyak na)
N: Nak tahimik na (niyakap anak niya)Di ko mapigilang malungkot at makaramdam ng panlalambot sa puso ko. Manhid o pusong bato talaga ko e, pero nung narinig ko usapan nila. Naawa ako sa kanila lalo na sa mga bata."
Rnew
2010
Institute of Nursing (IN)
FEU Diliman
