Sorpresa

1K 13 0
                                    

Sorpresa

Pumunta ako sa UST para sorpresahin siya. Second anniversary na kasi naming dalawa. Sinabi kong marami akong kailangang reviewhin kaya hindi kami makakapag celebrate ng araw na yun. Pero ang totoo wala akong tulog mailuto ko lang ang paborito niyang pagkain noon.

Halos dalawang oras ko siyang inabangan sa harap ng gate nila sa P.Noval. Maya maya nakita ko siyang papalabas. Bakas sa mukha at sa mga ngiti niyang masaya siya. Napa ngiti rin ako dahil alam kong sabik nasiyang lapitan ko siya. Naka tingin sya sa lugar kung nasaan ako. Ako nama'y sabik mahagkan siya at maibigay ang sorpresa ko.

Pero nang papalapit ako..

Mga lima hanggang walong hakbang..

Nagulat ako.

May ibang babaeng yumakap sa kanya at niyakap niya.

Dun ko nalaman na hindi lang pala ako ang dahilan ng mga ngiti sa mukha at nagpapasaya sa kanya.

Nabitawan ko ang pagkaing dala ko at napa takbo ako. Habang walang tigil ang agos ng luha sa aking mga mata sanhi ng pagkadurog ng puso ko.

Sana sinabi mo nalang na ayaw mo na matatanggap ko pa.

Wag mong sabihing natakot ka dahil pinagmukha mo na nga akong tanga.

Gina (Literature major)
2011
Institute of Arts and Sciences (IAS)
FEU Manila

The FEU's Secret FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon