Swerte nyo!
"Isa akong alumni ng FEU. Masasabi kong napaka swerte ng mga student ng FEU ngayon. Yung tipong may party sa labas at loob ng campus, tapos masayang masaya ang magbabarkada, at ang pinaka exciting, ay yung tipong may makikilala kayo from other Institute. Ang saya diba? Lakas maka spark!
Nung nag aaral ako sa FEU. Iilan lang ang mga barkada ko, puro masisipag pa mag aral. At tamad makihalubilo sa mga ganyang klase ng event. Hindi sa lahat ng oras, okay kasama yung mga matatalino o masisipag mag aral. Minsan isa sila sa magiging dahilan ng failure mo dahil madamot magpakopya. Dahil ayaw malamangan. Hindi ko sinasabing umasa sa kopya, but trust me guys, kakailanganin nyo din yan once. Hahaha! Kaya natuto akong tumayo sa sarili ko. Minsan ako na ang nagpapakopya, mataasan man nila ako. Who cares?! Hindi mahalaga sa akin yun! Basta pasado tayo!!!
Mapunta naman tyo sa spark eme na yan. Nung panahon na nag aaral ako dyan, isa sa mga goal ko bago maka grad. Ay makakilala ng mga boys na taga EAC. Kase diba ang cool?? Parang mga matatalino sila kesa sa mga lalake sa main! Sorry na. Hahaha. Pero syempre, hindi man lang na unlock ang goal na yun, dahil sino ba ako? Pumapasok lang naman ako sa school na simple , hindi ako pansinin dahil simple lang. Ang plain ko at aral lang ng aral pag break time. Tambay sa library. Sino ba naman hahanapin at popormahan ng mga taga EAC, Syempre yung magaganda at sexy sa loob ng Main! Pero gayun pa man, masaya ako dahil tapos na ang aking yugto bilang isang mag aaral. May pinatunguhan din ang lahat ng kaboringan ko sa loob ng 4 na taon.
PS: kaya yung mga mag estudyanteng napaka REKLAMADOR dyan pag may konting aberya as FEU! Matuto kayong magpasalamat, dahil napaka SWERTE NYO sa paaralan nyo! "
MariaOzami
2011
Institute of Accounts, Business, and Finance (IABF)
FEU Manila