ang buhay ng isang SEAMAN? masaya nga ba ito?

2.3K 25 1
                                    

ang buhay ng isang SEAMAN? masaya nga ba ito?

"hindi ako student ng FEU, pero some of my friends are. and since tinanong nila ako kung masaya nga ba ang buhay sa pagbabarko, naisip ko na ding ishare ito sainyo. the question was, ""ang buhay ba sa barko masaya?"" marami kasing nagsasabi na masarap daw ang buhay ng isang seaman. malaking pera, libre pamasahe around the world, tapus makakatikim ka pa ng iba't-ibang lahi ng chicks. siguro nga ganito ang tingin ninyo samin. pero lingid sa kaalaman ng lahat ang hirap at pasakit na pinag-daraanan namin sa pang araw-araw.

kaya kung tatanungin ako kung masaya ba ako sa pagbabarko, sa totoo lang, hindi. hindi ako masaya sa trabaho na to. kung titignan mo kasi, sa likod ng mga pagyayabang at pagmamalaki, sobrang napakahirap ng trabaho na to.

unang-una, malayo kami sa pamilya namin. homesickness can kill, kung alam mo lang. marami nang suicidal stories akong naririnig dahil sa sobrang pagkamiss nila sa pamilya at sa mga mahal nila sa buhay. yung depresyon dito, sobrang malala at sobrang talamak dito. swerte mo kung yung barko na masasakyan mo, may internet kagaya nitong sinasakyan ko. malaki ang chance na makukumusta mo ang mga mahal mo sa buhay na pwedeng makababa sa pagiging depressed mo. mostly kasing barko, walang internet eh. isipin mo yun, more than a month na walang communication sa pamilya mo. nakakatakot, di ba?

tapus malayo ka pa sa mga kaibigan mo, sa mga taong dadamay sayo pag walang-wala ka na. alam mo yung feeling na sa sobrang badtrip ng araw mo, wala ka nang ibang magawa kundi magmukmok na lang at magdasal sa kwarto mo. ni wala kang mapagkwentuhan ng mga problema, walang malabasan ng galit, o kaya naman mahingian ng advice. as in wala. tapus di mo pa sure yung mga kasamahan mo kung mapagkakatiwalaan ba sila, or nakikipagplastikan lang or mga backstabbers na pala. dito kasi, chismis ang pinakapopular na pastime ng mga seaman. since wala namang mapag-usapan tungkol sa labas, they all talk about someone in particular. at kapag ikaw ang naging topic, mas gugustuhin mo na lang na di na lumabas ng kwarto mo. sino nga naman ang gustong makarinig ng chismis tungkol sa kanyang sarili, di ba?

kung magkakasakit ka pa, walang mag-aalaga sayo kundi ang sarili mo. kasi lahat ng tao dito, busy. lahat may kanya-kanyang trabaho at ang pag-aalaga sa may sakit ang hindi kasama sa mga trabaho na yun. you only have you to take care of yourself.

tapus sobrang layo pa sa lupa. swerte ka na kung makaapak ka sa lupa ng dalawang beses sa isang buwan. minsan nga, sa sobrang haba ng biyahe, inaabot ng almost 55days bago man lang kami makakita ng isla eh. the only thing you see is the ocean. imagine how crazy that thing is? nakakabaliw kaya yung ganon. ni hindi mo alam kung nasaan kayo. kasi ang nakikita mo lang, puro tubig dagat.

ang trabaho mo pa, halos araw-araw. minsan wala nang pahingahan. almost everyday is an emergency day. araw-araw ba naman may maintenance na kailangang gawin, mga makinarya na aayusin at kung ano-ano pa. ang mahirap pa dun, sobrang delikado. may paso dito, gasgas dun. kalyo dito, sugat dun. tapus as in almost buwis-buhay talaga. one wrong move can kill one life. tapus dapat, mabilisan pang galawan. kung babagal-bagal ka, mas lalong tatagal ang trabaho. tapus magiging mas konti ang pahinga mo.

speaking of pahinga, di ka rin makakapagpahinga ng maayos kasi kapag may nangyareng masama sa makina, dapat andun ka para umalalay sa pag-aayus nun. kaya ang pahinga mo, parating putol-putol. swerte mo na kung makatulog ka ng mga 6hrs straight. kasi kapag nasa dagat ka, kung hindi ka man magigising dahil sa ingay ng alarm na nangyayare sa engine room, magigising at magigising ka pa din sa pag-gulong gulong mo habang natutulog ka. sa sobrang lakas ba naman ng mga alon, akalain mo na yung mga gamit mo sa kwarto, naglalaglagan na. as in gulong at laglag talaga. imagine mo na yung barko umabot ng 25 degrees ang angle niya. magkabilaan pa.

kaya sa tanong ng mga kaibigan ko kung masaya ba ako sa trabaho ko? ang sagot ko, hindi. hinding-hindi ako masaya sa buhay na ito. pero hindi rin naman ako aayaw. andito na ako eh. wala nang atrasan to. saka pinipilit ko na lang na maging ok. hindi para sakin, kundi para kila mama. para makabawi ako sakanila. i don't want to bring them down. kaya ayun, tiis ako. hahaha. gets mo na ang buhay seaman ko? salamat sa pagbabasa mo."

EngineCadetBOGCHI
2015
Other

The FEU's Secret FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon