Sana ako na lang...
"4 months ago nung una ko syang nakita.... sa chapel. Mga bandang 3pm, kasama nya mga kaibigan nya. Tandang tanda ko pa ung araw na un. Naka tshirt pa syang pang football, may green sa kaliwang kamay (bali kasi yata) may hawak pa syang camera nun. Na capture nya na puso ko that time. First time ko lang sya nakita sa campus pero iba na agad naramdaman ko. Alam kong may something na ko sa babaeng to.
Nung araw din na un pinapanood lang kita. Ang ganda ganda ng smile mo. Ang cute cute ng dimples mo sa may gilid sa baba ng mga mata mo pag tumatawa ka. Nakakainlove. Nakaka enjoy tignan ka. Gustong gusto ko malaman pangalan mo nun, pero wala akong lakas ng loob tanungin. Pati mga tropa ko na torpe na din. Kaya pinalagpas ko muna, pinagdasal ko din na sana hindi un ung una at huling kita ko sayo. Thank you Lord kasi kinabukasan nun nakita ko ulit sya, kasama ulit mga kaibigan nya. Palabas ng Gate 4. Bibili kayo ng pagkain dun sa may tindahan ng Lechon. Ang cute cute mo pag nakatawa ka, may hawak ka pa ngang kape nun eh. This time naglakas loob na kaming alamin pangalan mo, baka kasi un na ung huling beses na makita kita, masyado kasing malaki ung campus tsaka that time hindi ko pa alam schedule mo pati mga tinatambayan mo. Kaya nakiusap ako sa tropa ko sabi ko sagot ko isang oras nya sa computer shop basta malaman lang namin pangalan mo. Nag deal kami. Nilapitan nya ung kaibigan mo na naka Corpo uniform ung payat na mahaba buhok, tinanong nya pangalan mo, tinuro ka nya. Sabi ng kaibigan mo Clang daw pangalan mo. Natatandaan ko nung unang araw na nakita kita sa Campus, ""C. Pascual"" nakalagay sa tshirt mo sa likod. After namin malaman name mo, dumerecho agad kami ng computer shop. Sinearch kita, ang hirap mo hanapin. Nag cut kami sa isa naming klase, sa sobrang hirap hanapin ng accounts mo. Pero nakita naman namin, dun ko nalaman na Clarisse Pacual pala ung gamit mong pangalan sa facebook at malamang ung tunay mong pangalan, Inadd kita. Ung mga panahon na un. Minessage din kita ng ""hi ate"" pati mga tropa ko inadd ka pati minessage ka, pero 4 months na nakakalipas hindi mo pa din kami inaaccept pati sine-seen. Simula nun hanggang ngayon wala akong pinapalagpas sa mga posts mo sa instagram. Lahat nila-like ko. kahit ung mga picture nyo ni maine. Lahat un nila-like ko, kung meron nga lang ""Love button"" sa instagram baka lahat un ni-love ko na. Pending pa din ako sa twitter mo. Simula nung araw na un, hindi na kumpleto araw ko pag hindi kita nakikita. Kaya araw araw tuwing 3pm nung first sem, dumadaan talaga ko sa may chapel, nagbabakasakaling nandun ka nakatambay, favorite mo kasi ung lugar na un napansin ko, pero madalas sa zentea kayo ng friends mo pero lagi sa bilyaran sa may trese. Pero pansin ko din na ayaw mo sa mainit. Pag grabe ung init, hindi kayo lumalabas ng friends mo ng school, sa Alfredo kayo tumatambay. Favorite mo nga ung Macchiato diiba? favorite ko na din un eh. Tsaka diba lagi mo gustong uupo dun sa may pagpasok ng alfredo sa may left side. Lagi mo pa nga pinapalagay sa order mo ""clang"" pero one time ""meng"" pinalagay mo. Napapa order kami ng mga tropa ko ng kape sa alfredo pag nandun kayo, para hindi kami paalisin dun, nakaka ilang libre na din ako sa kanila para lang hindi nila ko iwan dun. kasi nakakahiya naman pag lumingon ka magisa lang ako. Nageenjoy kasi ako titigan ka. Pero after 2 months, nung october, 2 months ng pag sunod ko sayo pati pag smile tuwing nakikita ka, nalaman kong hindi na pwede.... nakita kita nun kasama mo ung boyfriend mo, ung maputing matangkad na lalaki na pareho kayo ng bag. Ang sakit sakit. Kasama mo sya, holding hands kayo, umakyat kayo ng Tech Building. Nakita ko kung gano kayo ka-sweet and for the very first time naramdaman ko kung pano sobra nadurog ung puso ko. Simula nun araw araw na kayo sabay pumapasok sa room. Pero araw araw pa rin kita inaabangan pumasok sa Gate 4, madalas pa din akong pumasok ng advance sa first class ko para intayin ka sa may gate 4, minsan nga dumadaan pa ko ng Hepa Lane, titignan ko kung meron pang pwedeng pag park-an, kasi diba dun ka nagp-park? Pero ngayon tuwing dadaan na ko ng Hepa Lane nauunahan na ko ng boyfriend mo. Iniintay ka na nya lagi dun. Mas pogi sakin ung boyfriend mo kaya mas lalong wala akong pag-asa sayo. Ang sweet nyo, tuwing bababa ka kukunin nya sayo ung bag mo tapos iki-kiss ka nya sa noo. Pero kaya ko din naman un. Kaya ko pa nga higitan eh. Susunduin pa kita sa bahay mo, ihahatid pag uwian kung kinakailangan... Pero hindi na pwede. Pero okay lang un, nandito pa din naman ako. Iaadmire pa din kita kahit tuwing nakikita ko kayo nung lalaking matangkad, masakit. Iintayin ko na kung sakali mang saktan ka nya. Iintayin ko ung panahon na baka pwede na, baka pwede ko na ibigay ung mga bagay na hindi nya na ibigay sayo, kasi kahit hindi pa kita ganun ka kilala alam kong worth it ka. Ramdam ko ung saya pag masaya ka pero higit sa lahat ramdam ko din pag nasasaktan ka kahit naka smile ka.
Incase wala ka pa ding idea kung sino ako... ako ung naka red cap nung December 8 dun sa may Alfredo. Ako ung nag sabi na ""hello clang, pwede pa picture"" nag hello ka pa nun pero sabi mo ""picture? bakit? nakakatawa ba ko?"" ang cute cute ng smile mo nun, gulat na gulat ka. Pero hindi na ko nakapagsalita nun. tapos bigla mo sinabi ""sige una na ko, bye"" nawala ako sa sarili ko nun pero that time hinihila na ko ng tropa ko palabas ng building, susundan ka namin, pinuntahan mo ung friend mo dun sa may registrar ung naka red. May pupuntahan yata kayo nun eh. Tsaka hindi ko na din nakikita na kasama mo ung lalaking maputi ung boyfriend mo. Ialng araw ko na din napansin un, na hindi na kayo nagsasabay. Un ung huling kita ko sayo nung 2015. Ang hirap mo na kasi hanapin ngayon sa campus. Kanina balikan sa school, hindi ulit kita nakita, nakakalungkot. Hindi ka na din tumatambay sa mga tinatambayan mo dati. Ang hirap kasi hindi ko na alam schedule mo this sem. Hindi ka pumunta ng bilyaran kanina, zentea, alfredo tsaka sa may chapel. Alam kong hindi dapat pero miss na kita, miss ko na ung smile mong maganda. Tsaka ung dimple mo sa ilalim ng mata pag tumatawa ka. Sana makita na ulit kita.Hindi ko alam kung lumipat ka na ba ng school o kung nagaaral ka pa. Pero kung sakaling mabasa mo to. Ate, ARJ ung initials ko, imemessage ulit kita mamaya para mag pop sa messenger mo. Gusto ko lang sabihin na Hello, favorite ko ung smile mo."" Sana balang araw magkaron ako ng chance alagaan ka ung pagaalaga na deserve mo. Hindi kita sasaktan kasi hindi ka dapat saktan. Sana mapansin mo ko and makarating to sayo smile emoticon"
guyinredcap
2015
Institute of Tourism and Hotel Management (ITHM)
FEU Manila