M
"Nagpost ako sa isang page sa facebook (hindi sa feu marketplace) na naghahanap ako ng roommate sa isang building malapit sa Uste. May mga ilan na nagcomment pero mas naging interested ako kay Mae. Nailagay ko naman sa post na isang boy roommate and hanap ko pero naginsist pa din siya. Mas natuwa ako nung sinabi niyang kailangang kailangan niya at tibo siya. Hindi ko tuloy alam kung bakit bigla ko na lang siyang minessage ng 'deal'. Basta, may gut feeling ako na tama yung ginawa ko. Tangina lang.
Monday nung nagkita kami sa may lobby. 'Tangina' ang una kong nasabi. Akala ko magiging tropa ko siya kasi nga sabi niya tibo siya. Pero nung sinabi ko ka agad na tangina, ikinatuwa niya pa. Tinulungan ko siya sa mga gamit niya. Tinulungan ko din siya sa pag lipat ng mga damit nya sa cabinet. Mga kung ano-ano na gamit ng babae. Gusto ko talagang magback out baka kasi mapaano sya. Baka mabuntis ko siya sa ganda niya. Seryoso wag kayong tumawa. Wala siyang makeup or what pero ang ganda niya lang sa simpleng get up niya. Tinanong ko pa siya kung tibo ba talaga siya ang sinabi niya naman sa akin may girlfriend siya na nagaaral din sa feu tulad ko. Nagaaral kasi siya sa Uste. HIndi ko alam pero natuwa ako na nainis. Pero seryoso talaga ang ganda niya.
Tuesday na siya natulog sa condo 'namin'. Kinakabahan pa ako nun kasi nga hindi ako sanay na may babaeng nasa bahay. Nagkwentuhan kami ng kung ano-ano, pinakita niya pa nga sa akin yung girlfriend niya. Sabi niya IABF din siya, 2nd year. Tinawag ko siyang Mae nun, nagalit siya sa akin. Sabi niya tawagin ko daw siyang Matt. Iba talaga yung feeling ko pag nakakausap ko siya.
Isang araw nakaupo kami ng mga tropa ko malapit sa tayuman. Nakita ko yung girlfriend niya. May kasama siyang lalaki. Nakaakbay sa kanya. Hindi ko na lang pinansin kasi baka hindi siya yun. Umuwi ako nun na umiinom siya. Sabi niya pampatagal lang daw ng stress. Pinabayan ko na lang siya. Pero bandang 1 am nagising ako tapos nakita ko siya nasa sala pa din tapos may kausap siya sa phone niya. Napadaan ako sa kanya dahil papunta ako nun ng cr ng marinig ko na nagmamakaawa siya. Nakasapo siya sa noo niya na humihikbi. Paglabas ko, umiiyak na siya. Nagulat pa ako nung nagsorry siya. Akala ko para yun sa kausap niya, pero nagsosorry pala siya sa akin. Nakita ko yung mga mata niya nun. Sobrang lungkot niya. Sobrang naaawa ako sakanya. Tumayo siya at kumuha ng gsm blue sa ref habang ako tinitingnan pa din siya. Lahat ng galaw niya tinitingnan ko. Lahat ng pagkurap niya napapangiti ako. Lahat ng paglunok niya napapalunok ako. Lahat ng kilos niya, nagpapabilis ng tibok ng puso ko. Alam ko makokornihan kayo kasi nagkakagusto ako sa isang tulad niya. Pero iba talaga e. Iba yung bilis ng tibok ng puso ko pag nakikita ko siya.
Lumipas ang dalawang buwan at nagugustuhan ko pa siya lalo. Nagkwkwentuhan kami tuwing gabi, nagbobonding kami pag nagaaral, tinuturuan niya ako ng mga lutong kakaiba, pupunta kami ng mcdo ng madaling araw para kumain ng fries at fries at fries, nag gigitara ako habang kumakanta siya, kwinekwentuha ko siya ng mga librong nababasa ko, sabay kaming nagmamarathon ng htgawm at tbbt, tangina ang saya saya ko pag magkasama kami. Hindi ko pa din siya tinatanong dun sa nangyari sa kanya nung naglasing siya, sabi niya sasabihin na lang daw niya pag naging okay na daw. Tumango na lang ako at ngumiti. Tapos ngumiti siya. Tangina talaga nung araw na yun. Sobrang saya ko kasi ngumiti siya. Ang ganda niya. Grabe, ang ganda niya talaga sa paningin ko.
December na nun nung nakita ko ulit yung sinasabi niyang girlfriend niya. Iba na yung kasama niyang lalaki. Pero ngayon magkaholding hands sila paglabas ng EB Canteen. Gustong gusto kong kausapin yung babae pero sino ba naman ako di ba. Tangina pinangako ko na kapag umiyak na naman si Mae, sasabihin ko na talaga sa kanya yung nakita ko at pinapangako ko din na mamahalin ko siya di tulad ng ginawa ng girlfriend niya sa kanya. Alam ko weird, pero kung para sakanya itatayo ko lahat mapasaya ko lang siya.
Sabay kaming nagpaskuhan nun. Sabay kaming tumingin sa langit habang tinitingnan ang mga paputok. Sabay kaming tumawa nung umulan ng malakas. Sabay kaming tumakbo habang umuulan. Sabay kaming pumunta nung narinig namin ang paborito niyang banda na Callalily. Naalala ko pa, Stars yung pinapatugtog nun. Sabay kaming kumanta, sabay kaming tumalon, sabay kami sa lahat. At sa araw na yun isa lang ang tangi kong hiling na sana sabay din kaming mahulog sa isa't isa. Pero syempre matagal na akong nahulog sa kanya. Ang tagal tagal na. Habang tumatalon nun sinigaw ko na mahal ko na siya. Akala ko naintindihan niya sa dami ng taong sumisigaw pero nagulat na lang ako nung binulong niya sa akin na ang saya niya na ako yung sinama niya at hindi 'siya'.
Umaga nun may kausap siya. Nagsosorry siya. Umiiyak. Ayaw na daw niya. Nung pupuntahan ko na siya bigla niyang in-end yung call. Tumingin sya sa akin ng matagal. Tapos umiyak nanaman siya. Lalapitan ko talaga siya nun kaso nasaktan niya ako nung sinabi niyang ayaw niya daw akong makita. Nagkulong na lang tuloy ako sa kwarto at nag gitara.
2 pm na nung lumabas ako ng kwarto, palabas na din sya ng condo. Uuwi na daw sya ng probinsya. Nagsorry siya at ngumiti. Hindi ko alam kung bakit nasaktan ako sa ngiti niya. May iba kasi e. Hindi yun yung dating ngiti niya. Tapos may bigla akong nasabi na ikinagulat niya.
""Gusto kita.""
Tangina naalala ko pa din yung reaksyon niya. Tumatawa siya na nakangiti.
""Gutom lang yan.""
Gustong gusto kong sabihin na gutom na gutom na ako sa pagmamahal niya. Pero nakaalis na siya. Umalis na siya. At mag-isa ko na lang.
Bumalik siya ng 21 (Monday). May kasama siya nun. Akala ko yung girlfriend niya. Tangina lalaki. Sabi niya highschool friend niya daw, papasyal lang daw sila kasi flight niya sa 23. Isang araw nakita niya ako na nasa labas ng kwarto niya. Nagulat ako. Nagugulat pa din ako sa twing nakikita ko siya. Sinabi niya kung anong ginagawa ko. Tinanong ko kung narinig niya ba yung sinabi ko nung sumigaw ako nun nung paskuhan. Tumatawa siya habang sinasabi niya na ang random ko daw. Bigla akong nanlumo, nalungkot, at nadismaya. Saka ko sinabi na gusto ko siya. Na ang saya ko na kasama ko siya. Na hindi na friend ang turing ko sakanya. Na mahal ko siya.
Tapos dumating yung Justin sa likod niya. Niyakap siya mula sa likod. Tapos hindi ko alam pero tumalikod ako. Hindi ko na sya kinausap. Buti na lang luluwas na ako. Hindi ko na siya makikita. HIndi ko na siya mararamdaman. Hindi ko na sya makikitang ngingiti kasi tuwing ngingiti siya mas minamahal ko siya. Buti na lang mapapalayo ako sakanya. Kahit sandaling oras lang.
Grineet niya ako nung christmas at bagong taon. Pero nung bagong taon ako mas nagulat. Kasi tumawag siya. At hindi happy new year ang una niyang sinabi kung hindi, I MISS YOU.
TANGNA!
Tangina bigla akong nabuhay. Bigla akong kinabahan at hindi ko alam kung bakit pinatay ko kagad yung call. Tapos pinatay ko din yung phone. At hanggang ngayon na nasa manila na ulit ako, nakapatay pa din phone ko.
Gusto ko na ayaw ko. I love her, I do, pero may pero e. May pero."
agtot
2013
Institute of Accounts, Business, and Finance (IABF)
FEU Manila