Valentine's day

1.1K 9 0
                                    

Valentine's day

".... everything isn't that pricey and it doesn't have to be pricey cos I believe, expensive gifts don't equal love."

Sa linyang yan, naalala ko lang yung girlfriend ko na niregaluhan ko noon ng Curly tops at gumamela na may kasamang love letter pero itinapon lang sa basurahan at kinagabihan nakipag break. Estudyante palang kasi ako noon. Baon ko singkwenta. Bente pangkain, trenta pamasahe. Hindi ko afford yung mga toblerone at mga bouquet ng rosas. Yeah toblerone pa uso nung panahon ko. Di ko lang matanggap na ng dahil sa regalo hihiwalayan niya ako nun.

Sana malaman ng mga demanding na babae na hindi natutumbasan ng mamahaling regalo ang pagmamahal. Wala man akong toblerone at bulaklak na maibibigay, pagmamahal na totoo naman ang kaya kong ialay. Time!

Ka-Roger
2007
Institute of Arts and Sciences (IAS)
FEU Manila

The FEU's Secret FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon