I'M NOT MOVING
"Admin sana mai-post niyo
To my 1st True Love,
Jan. 13, habang naghihintay ako ng klase ko ng 6pm, naisip kong magpalipas oras sa freedom park. nakita ko ikaw naglalakad palayo, kahit hindi ko nakita ang mukha mo, alam kong ikaw yun, sa kilos, katawan at buhok palang. Nagflashback tuloy sakin ang start at ending natin.
Wayback 1st Sem 2014, 3rd year ako nun, na-appoint akong President sa isang feu cultural group. Then freshman ka Psychology student, sumali ka nun at nakapasa ka sa audition. At first, hindi ko talaga makaudap masyado ang mga trainees nun (ni hindi ko nga alam na member ka na pala). Pagrerehearse lang talaga ginagawa ko nun sa inyong trainees. After kong magturo, alis agad ako nun dahil busy ako nun sa pag-aaral sa course ko Internal Auditing (Accounting matters na feeling ko mga hindi ko kayang ipasa! Hahaha).
And then, dumating ang January 2015 at may major concert ang group natin sa March. Medyo nagkachat tayo nun at nakwento mo na broken-hearted ka sa isang lalaking may girlfriend, etc. Ayun napakwento na din naman ako(kahit NGSB ako). At ayun humaba ng humaba ang kwentuhan natin bawat gabi na napunta na sa politics, relegion, etc. Hahaha! Then, hindi natin napansin na March na pala at concert na. Edi ayun matagumpay naman ang naging concert sa chapel. Week after the concert, naglakas loob akong sabihin sa'yo na gusto kita (achievement ko na yun kasi torpe talaga ako, NGSB eh). Ayun then you said it back na gusto mo rin ako. So, shit! Sabi ko sa sarili ko ako na pinakamasayang lalaki sa buong mundo. Haha! (Di ko na sasabihin yung iba pang mga nangyari, satin nalang yun). Then you became my motivation kasi may Comprehensive exam kami ng April 2015 para makapagtuloy kami ng 4th year internal auditing, noon lang ako ginanahang mag-aral ng sobra sa accounting. Haha! 'coz you know you're my greatest motivation. smile emoticon
(The next chapter will be the start of the end)
after ng comprehensive exam, dumeretso ako ng Bacolod para magturo ng musical instruments related to our cultural group for 2 weeks (pangatlong taon ko na nun nagtuturo doon every summer). Tapos sa kalagitnaan ng pagtuturo ko lumabas ang compre exam result at ayun bumagsak ako. frown emoticon sobrang gibang giba ang pangarap ko, hindi ko magawang makausap noon ng maayos na parang pati sa'yo ba nawalan ako ng gana. Sino ba naman ang hindi mawawasak? kung kelan 3rd year ka na. And then one night, nagkachat tayo noon at napag-usapan ang status natin (kasi nga hindi na kita kinakausap ng ilang araw straight), ako naman si GAGO hindi makausap ng matino (epekto ng compre result), ayun na nga nag-away tayo, AT HINDI KITA IPINAGLABAN. Huling sinabi mo sakin nung gabing yun ""Mahal kita ******, pero hindi ko deserve yung ginagawa mo sakin. Sana ako yung maging lesson mo sa kasunod na babaeng mamahalin mo."" P*tang ina napaka-gago ko talaga nun na hindi ko maipaliwanag sa'yo ang dahilan, na hindi kita ipinaglaban sa depression ko sa compre result. lalong gumuho ang mundo ko nun. Iyak ako ng iyak noon. Alam mo yung pakiramdam na, BUMAGSAK YUNG TULAY SA PANGARAP MONG PROFESSION KASABAY NG PAGKAWALA NG PANGARAP MONG MAKASAMA SA HABANG BUHAY? Double-blade diba? Tapos nag-iisa lang ako sa bacolod at walang mapaglabasan ng magkahalkng galit at lungkot. Ni ayaw ko ng bumalik ng Manila noon.Pagbalik ko ng manila, nagkoroon ng 2nd take ng Comprehensive exam and nakapasa ako. Haha (but still hindi pa rin ako masaya dahil wala ka na)
Sa 2 months na mutual na pagmamahalan natin (and 1 1/2 years na magkakilala), madami akong natutunan. At heto ngayon ko lang sasabihin sayo, SORRY FOR EVERYTHING. But for that 2 months of love, you gave me forever and my eveything. Hanggang ngayon kasi araw2 pa rin kitang naiisip at hindi ko pa rin kayang magmahal ng iba (siguro natatakot akong masaktan ulit yung mamahalin ko). kahit hindi na tayo nagkakausap, kahit may iba ka ng mahal, kahit may iba ng humahawak sa mga kamay mo araw2 at nagsasabi sa'yo ng I love you, YOU WILL ALWAYS BE MY PAST, PRESENT, AND FUTURE DREAM GIRL.
PS. Gagraduate na nga pala ako ng IA at magtetake ng Qualifying exam to pursue 5th year BS Accountancy. Pagdasal mo ako ha? smile emoticon Kahit nawala na sa akin ang GIRL OF MY DREAM, atleast nakabalik naman ako sa tulay ng aking pangarap na propesyon. 8 months na di pa rin ako makamove on. Haha"
Artist
2012
Institute of Accounts, Business, and Finance (IABF)
FEU Manila