Hi Tay!
Hi tay Kumusta? Ako nga pala 'to ang anak niyong si Oyo. Drug addict na pala ako ngayon tay. Medyo itinigil ko na simula nung narehab ako kaya marijuana nalang ang tinitira ko.
Tay' nakapatay narin pala ako pero self defense lang naman kaya hindi ako nakulong.😊 May apo na pala kayo tay' kaso ayaw kong alagaan eh. istorbo sa pakikipag inuman ko. Pati yung babaeng inanakan ko. Di ko naman sadyang anakan. Sabi ko ipalaglag ayaw naman niya. Tanga diba. Tapos ngayon hihingan ako ng sustento. Mukhang tanga talaga!
Tay' nakakaubos ako ng apat na kahang yosi ngayon sa isang araw. Natutunan ko naring mag nakaw kasi simula nung pinalayas niyo ko wala akong nakapitan kundi patalim.
Tay' sana proud kayo sakin. Sana proud kayo na natupad lahat ng pangarap niyo. Lahat ng pag tawag niyo sakin na "gago, bobo, siraulo, ulol, salot, dimonyo" noong bata ako, nagkatotoo at tinupad ko.
Isa nalang ang pangarap niyong hindi pa natutupad. Yun ay ang mamatay na ako.
Tay' para ito lahat sa inyo.
Sana proud kayo sakin.
Oyo
2008
Other
Not from FEU
