Sa taong mapipili nyang magpapasaya sa kanya.
"Tol. Napakaswerte mong tao. Oo. Napakaswerte mong tao.
Gusto kong sulitin mo yang swerte mo. Kaya bibigyan kita ng hints, guides, and hacks kung paano magiging maayos ang relationship nyo.
1. Palagi mo syang itext pagkagising mo. Wag mong hintayin na magising sya at sya ang unang mag text. Basta pag nagising ka text agad.
2. Mahiyain syang babae. Kaya kapag nagda-date kayo. Ikaw ang o-order. Magtatanong ng directions, bibili ng ticket para sa kanya. Kung mahiyain ka rin wala kayong mararating.
3. Isa syang cowgirl. Kaya nyang mag adjust sa kahit ano. So malamang, di ka mahihirapang mag regalo at magdala ng pagkain
4. Chicken fillet lang hindi chicken fillet a la king.
5. Kapag magda-date kayo, alam mo na dapat kung saan kayo kakain. Kasi mauubusan kayo ng oras kakatanong kung ""saan tayo kakain""
6. Kung di ka nagsisimba, mapapasimba ka dahil papagalitan ka nya pag di ka nagsimba.
7. ADR SUPPORT lang kayo wag kang mag iiba ng role.
8. Matututo kang kumuha ng mga ""instagrammable"" pictures.
9. Speaking of pictures, kada araw mag seselfie kayo ng atleast 10 pictures so mag laan ka ng malaking memory.
11. Wacky pictures. TONS OF WACKY PICTURES
12. Tanggapin mong sa mata nya, sa mata ng girlfriend mo, mas gwapo si chris brown.
13. Mahal nya si chris brown. Malamang maging fan ka din nya dahil tuwing magkasama kayo, yun ang tutunog.
14. Wag mo syang pipigilan sumayaw kahit sobrang weird ng itsura nya. Gusto nya yun.
15. Mas malakas syang uminom sayo. Trust me. Pero pag nalasing sya, make sure na maaalagaan mo sya.
16. Isang litro ng mineral at fishball lang sapat na.
17 Chocolate ice cream.
18. Pag meron sya, starbucks at mcdo lang. No, di kailangan ng mahal. Basta sweets at pagkain. Yun lang.
19. Makikita mo yung pinakamagandang version na kapag masya sya. Kaya kung gusto mo masatisfy ang mata mo, at makita mo yung pinakamagandang ngiti nya, pasayahin mo sya. PALAGI.
20. Matuto kang magbasa ng tweets. Malalaman mo naman na para sayo yon.
21. Mag tweet ka rin para sa kanya. Pero wag mo syang imention. Like. ""uwi ka na miss na kita"" ""kinikilig ako"" basta iparinig mo lang.
22. Sunduin mo sya lagi sa feu tech. Pero sabihin mo pag susunduin mo sya, wag mo syang gugulatin.
23. Kumanta ka. Kahit ampanget ng boses mo. Basta kantahan mo sya.
24. Sobrang pait ng mga past relationship nya, wala pa syang masyadong experience sa mga romantic na bagay such as surprises. Kaya hanggat maari, isurprise mo sya. Kahit yung maliliit na bagay lang.
25. Tanggapin mo na mas mauuna yung friends nya bago sayo. Maghintay ka. May nakalaan syang oras sayo, wag ka ng mag demand ng mas maraming oras pa.
26. Wag kang maging masyadong possessive. Kasi hindi yan mawawala sayo.
27. Meron syang hindi sasabihin sayo. Hindi mo yun maiiwasan. Try mo syang intindihin. Bata pa sya. Marami pa syang pagkakamali na magagawa.
28. Tanggapin mo lahat ng sides ng pagkatao nya. Hindi lang yung sweet at malambing na version nya. Sana kahit yung masungit at baliw na version nya mahalin mo.
29. Hanggat maari, sabihin mong mahal mo sya. Piso lang magtext ng ""i love you"". Wag mong tipirin.
30. Pag sinabi nyang mahal ka nya, maniwala ka.
31. Kahit sobrang saya nyo, imposibleng di kayo magkakaroon ng problema. Kung magkakaroon man kayo, wag mo syang susukuan. Wag kang tutulad sakin.
32. Magseryoso ka hindi lang sa kanya. Sa pag aaral. Sa pamilya mo. Gusto nya yung lalaking matalino, may plano sa future at family oriented.
33. Yung flaws nya, tanggapin mo. Kasi wala kang kwentang tao pag naturn off ka dun.
34. Kapag galit sya, hayaan mo lang kasi saglit lang magalit yan. pero kung sakaling tumagal. Gumamit ng emergency lambing. Lambingin mo ng sobrang solid. Bibigay yan.
35. Mahalin mo sya ng buo. Walang consideration, walang hinihinging kapalit. Mahalin mo sya dahil mahal mo talaga sya. Hindi dahil may hinihintay kang kapalit. Kasi kung mamahalin mo sya, mamahalin ka rin nya.Maging masaya kayo. May mga obstacles kayong pagdadaanan pero wag mo syang susukuan. Yung mga problema, gawin mong opportunity para mahalin pa sya ng sobra. Tanggapin mo lahat. May reward ka sa dulo dahil napaka-strong at napaka dedicated nyang tao. Pag naging dedicated sya sayo, mararamdaman mo na special ka at yun ang pinakamasayang mararamdaman mo.
I wish you well. Minahal ko yang babaeng yan. Sana mahalin mo sya ng mas sobra pa sa pagmamahal nya sa sarili nya."
Past nyang tanga
2011
Institute of Accounts, Business, and Finance (IABF)
FEU Manila
