Burned
Nakasakay ako nun sa bus pa-ayala. Sobrang siksikan as in. Naka tayo na lahat nag pasakay parin yung konduktor. Maya maya may narinig nalang ako na boses ng babaeng galit na galit.
"Tulak ng tulak. Bobo!"
Wala siyang tigil sa kaka-rant dahil natulak siya dahil sa sobrang siksikan.
Yung babae nasa edad 35-40 na so medyo matanda na siya pero sa tingin ko, hindi naaayon sa edad niya yung behavior niya. Rant siya ng rant. Mura ng mura.
"Paibhasa boba! Kung maka tulak akala mo walang tao."
Maya maya may sumagot na babae.
"Sorry ho kung naitulak ko kayo. Di naman ho sinasadya kasi may nanunulak rin ho sa likod ko."
Sagot nanaman si ale: "Wala akong pakialam kung may nanunulak sayo. Wag kang tanga!"
Medyo naiinis na ako sa pnanalita nung ale. Sabi ko,
"Teh nasa pampublikong bus ho kasi kayo. Expected niyo na sanang siksikan at may tulakan."
Tapos may sumagot din na ibang psahero na.. "Oo nga eh. Ang arte. Edi sana nag taxi nalang."
Sumagot si ale. Dinuro ako.
"Hoy ikaw tanga ka! Wag kang nakikialam ha gago ka! Itong bobo na to (sabay turo dun sa babae sa likod niya) tinulak ako. Wala akong pake kung siksikan wala kayong karapatan manulak."
Sumagot si ate na kanina pa siguro nag titimpi. "EXCUSE ME HO. HINDI HO AKO BOBO. I'M A DOCTOR. I DON'T THINK NA MAKAKAPASA AKO SA PAGIGING DOCTOR KUNG BOBO HO AKO."
BANG! 💣
Natahimik si ale. Maya maya sumenyas na bababa.
Yung mga pasahero at konduktor badtrip narin sakanya. Sabi nung konduktor..
"Oh mag sitabi kayo. Dadaan ang mahal na reyna."
Pagbaba ni ale siya yung topic ng lahat ng pasahero sa bus. Hahaha! Lhat galit sa kanya.
Lintik kasi ugali eh. Tanda na, di pa marunong umayos.
chismoso
2010
Institute of Tourism and Hotel Management (ITHM)
FEU Manila