payong kapatid para sa tropa
"Tol ano ba nangyayari sayo? Babae lang yan tol, babae lang yan.
Pero tangina tol kahit babae lang yon dapat alam mo yung halaga nya. Wag kang magalit sa kanya kung pinagtatanggol nya yung ex nya kapag nagaaway kayo. Ikaw ba tol naisip mo yung ginagawa mo sa kanya? Na kapag nagiinom tayong magttropa hindi ka nagpapaalam sa kanya? Tapos minsan may kasama pa tayong babae sa inuman at ikaw yung dumidiskarte. Tol may girlfriend ka na pero gusto mo pa makakant*t ng iba. Wag mong sisihin yung girlfriend mo tol kasi mas malala pa yung ginagawa mo sa kanya. Tol kung hindi ka sana nagsisinungaling edi sana wala kang kinakatakot, magpaalam ka tol kasi kami naman yung kasama mo pag magiinom tayo. Sa totoo lang mas takot ka pa sa girlfriend mo kesa sa nanay mo eh. Sabi ko naman sayo pahalagahan mo hanggat nandyan pa kasi nangyari na sakin yan tol. Kaso hindi ka naman nakinig sakin. Gawa ka ng gawa ng kaslanan tapos pag hiniwalayan ka iiyak iyak ka. Wag kang kupal tol, magseryoso ka naman na. Ilang taon ka ng babaero kingina ka hahahaha magbago ka na.
P.S mahal ka namin tol, dito ko na lang sinabi to kasi tanginamo di ka naman makikinig samin."
tropa mo since grade 1
2015
Other
FEU Tech (FIT)