Immature

3K 33 0
                                    

Immature

Habang naglalakad kami papunta sa bago naming room (na dissolve kasi yung isang subject namin kaya mamili kami ng bago) may narinig kami may biglang sumigaw na "ayan na siya!" Nagulat kaming lahat at sabay nagtanong "sino yun?" Nung malapit na kami sa room nagulat ako bigla akong hinarangan ng mga bully kong blockmates dati at biglang nagtanong "bat kayo nandito? No pets allowed dito" tapos di ko pinansin. After that, umupo ako sa tabi ng mga blockmates ko. Tapos biglang sumigaw yung isa "uy ******* akala ko ba lilipat ka? Sayang di natuloy nakakabwisit makikita nanaman kita" tapos sabi nung isa "hay nako nakita ko nanaman yang pangit na yan nakakainis talaga panira ka ng araw g***". Ayoko lang silang patulan ulit kasi iba talaga yung mga attitude nila. Sila yung mga tipo ng taong sobrang insensitive. Wala silang pakialam kung may masaktan sila o wala basta may masabi lang ( kahit wala sa hulog). Ayokong masira nanaman ang image ko dahil sa kanila. After class tinanong ako ng ka block ko na "ikaw ba yung tinutukoy nila?" Ngumiti na lang ako sa kanya at sabi ko "bayaan mo sila. Ayokong masira yung pag aaral ko ng dahil sa kanila" tapos sabi ng kasama niya "tama lang yun bayaan mo sila magsasawa rin yang mga yan". Buti na lang may kasama akong mga taong mature na mag isip di tulad nila na kailangan ipagsigawan sa room yung mga panlalait nila sa kin. Salamat sa inyo guys dahil sa inyo na control ko yung temper ko hahaha.

So called "pangit"
2015
Institute of Accounts, Business, and Finance (IABF)
FEU Manila


The FEU's Secret FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon