Matamis na Ampalaya

2.3K 66 1
                                    

Matamis na Ampalaya

"Alam kong mahaba pero sana worth it nyo basahin. Please admins para sa 3rd anniversary namin to. smile emoticon

So eto yung istorya namin nung girlfriend kong medyo ulul pag nagalit. Pero di kami naghiwalay ah! Anniversary namin nun. Ulul lang talaga yun pero mahal namin isa't isa kaya kayong mga breezy girls wag kayo mag-assume agad p*t*ang*n* eh. At kayong mga lalake, mag-ingat kayo. Surprise!

Magkikita kami kahapon sa SM Cubao. Syempre puch* todo porma ako kasi syempre gf ko kikitain ko eh. Anniversary pa dapat postura ang koya nyo. Dapat gwapo ako para di sya mahiya pag naglakad kami sa mga mall sa Cubao. May flowers pa worth mga 750 ata ganun tangina kasi inorder ko pa sa kung saan pero okay lang lab na lab ko yun eh. So eto na magkikita na kami.

Nung andun na ko sa pagkikitaan namin, aba yung magaling na babae nakatingin sa mga couple na namimili ng singsing (mukhang matanda na yung couple). Puch* biglang naghuramentado yung gf ko.

GF: BAKIT DI TAYO TUMITINGIN NG SINGSING KAHIT KAILAN HA? WALA KA BALAK PAKASALAN AKO NO?

Syempre ako nagulat. Kailangan ko ng malupet na rebuttal para di sya magtampo. Eh tinamaan ng lintik biglang dumaan yung prof ko na maganda pero di ko trip yun syempre tanders na yun mga 8 years agwat namin yuck.

Prof: HI R*******! Gwapo talaga!
Me: HI! (pucha nakalimutan ko mag-PO)

Tas nakaalis na yung prof ko. ABA AYUN NAGALIT PA LALO YUNG GF KO!

GF: SINO YUN?! WALANG HIYA KA! HARAP-HARAPAN MO PA KONG NILOLOKO! BAHALA KA DYAN!

Umalis GF ko. Ayun hinabol ko hanggang LRT station. Nyeta dapat pala may Beep Card ako. Dire-dretso si gaga sa LRT station kasi meron sya Beep Card. Ako naman ayun punyeta pumila ako sa pilahan ng ticket. Anniversary na anniversary makikipag-away. EDI WOW!

Tas ayun alam ko uuwi na yun eh kasi yun yung alam ko lang na bababaan nya. (Recto - Cubao lang kasi alam ng ulul na yun hahaha!). So ayun text ako ng text. Tawag ako ng tawag. Tangina mga pre paiyak na ko nun. Tas nung ayun na nga nakauwi na sya kutob ko, dumiretso na ko sa kanila.

Pag katok ko yung mama nya yung sumalubong sakin.

Tita: Oh R****** pasok ka! Nagmamadali umuwi si G****** ah? Diba may date kayo? May nangyari ba?
Me: Opo tita. Anniversary namin ngayon eh. Pwede ko ba sya kausapin?

Pagkapasok ko ng bahay nila...

""HAPPY 3RD ANNIVERSARY PANGET!""
""PS. WAG KA IIYAK SASAPAKIN KITA""
-yan yung mga nakalagay sa tarpaulin na pinagawa nya na nakasabit sa sala nila. Tas may food na marami sa lamesa (nakakatakam yung Crispy Pata grabe mga men).

Yung tatay nya grabe nakaparty hat pa! Yung nanay nya ayun ngiting-ngiti parang di ako sinalubong sa gate nila. Yung kapatid nyang lalaki naka-suot pa ng damit na may G heart emoticon R eh.

PUTANGINA MGA TOL NAPAIYAK AKO. YUNG PROF PALA TAGA-CUBAO NAKUNTSABA NG GF KO PARA MAS REALISTIC DAW GALIT NI ULUL. DI KO AKALAIN YUN PALA MANGYAYARI. MUNTIK PA MASIRA YUNG FLOWERS KAKAHABOL KO. AYUN SOBRANG MAHAL NA MAHAL KO KASI TO. LAHAT WORTH IT. LAHAT NG PAGOD SA PAGHAHABOL KO NAPALITAN NG SAYA. WALA MGA TOL, ANG TINDI LANG TALAGA NG ARAW NA YUN. SOBRANG SAYA! NAPAYAKAP NALANG AKO TAS BULONG NG I LOVE YOU SA KANYA. SYEMPRE SYA DIN NAGREPLY I LOVE YOU DIN KUNG HINDI BAKA UMIYAK PA KO LALO HUHUHUHU.

Kaya mga pre, kahit ganyan mga GF nyo, mahalin nyo parin. Wag kayo hahanap ng iba. Kahit ganyan yan, mahal na mahal ka nyan okay mga gunggong? Peace yo! Salamat sa pag-babasa!"

Lalaking Gunggongers
2011
Other
FEU Tech (FIT)


The FEU's Secret FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon