Baha
Malapit ang bahay namin sa may RTU sa Mandaluyong. Para makapasok papuntang FEU, sasakay akong jeep at dadaan sa Maysilo Circle.
Sa ilang taon, laging baha dun. Ang tagal tagal na di pa rin naaayos yung daan, magpapalit na ng administrasyon, ganun pa rin dun. Ang baho tuloy at kung saan saan pa umiikot yung jeep kaya dagdag sa oras ng byahe.
Alam ko namang project ng DPWH yun kaya di ko masisi yung mga pulitiko ng mandaluyong, pero malaman laman ko hawak daw ng congressman yung pondo ng para sa project ng dpwh.
Eh anong petsa na? Eleksyon na naman na di pa rin tapos yung kalsada. Lagi pa ring baha. Di ko tuloy maiwasang isipin na baka magamit pa ang pondo sa eleksyon. Sana naman hindi.
Nakakadagdag sa traffic yung mga ginagawang kalsada kahit saan. Hanggang kelan kaya magtitiis ang mga pasahero na bumabyahe papuntang school at trabaho? Sana naman matapos na lahat yan. Nauna pa matapos magawa yung kalsada sa V.Mapa.
TiisTrapikTiisAmoyBaha
2011
Other
FEU Tech (FIT)