Threats

1.5K 31 3
                                    

Threats

This is not a love story. This is a serious confession.

Meron akong kaklseng mag syota sa isang subject na pinapasukan ko. Second year palang ako pero 4th year na mga kaklase ko. Irreg kasi ako. Transferee.

Twing klase napapansin ko na yung mag syotang yun since nasa harapan ko lang sila. Yung babae minura nung lalake nung di nagawa yung assignment niya. Isip isip ko, gago netong hayup na to. Ginawa pang taga gawa ng assignment syota niya.

One day, pag dating ko wala pang prof. Yung mga kaklase ko tahimik at naka tingin sa iisang direksyon.

Nakita kong binabatukan nung boyfriend yung girlfriend niya. Habang yung babae naka upo na sa sahig at umiiyak. Binabatuk-batukan at sinasampal. Walang umaawat. Kahit mga lalake naka tingin lang. Tinanong ko yung katabi kong lalake kung bat ayaw nilang tulungan. Ayaw daw nilang makialam.

Nung pupuntahan ko hinatak ako nung kaklase ko. Wag daw. Malakas daw yung lalake. May frat daw. May napatay na raw. Maraming kapit sa labas. Mapapahamak lang daw ako. Pero di ako nagpa pigil. Sinapak ko yung lalake. Nagka suntukan kami sa klase. Napuruhan ako. Napuruhan ko rin siya. Maga yung mukha ko. Tanggal isang ngipin niya. Duguan na kami bago pa dumating ang mga guard. Wala kasing bumalak na lumabas at mag sumbong.

Napa office kami. Na-kick out siya kahit walang ni-isang tumulong sakin na maging testigo dahil lahat takot at kilala yung lalake na anak ng politician. Bago lumabas ng office yung lalake bumulong siya ng humanda ka saken.

Ngayon, binabantaan ako nung lalake. Gumagamit ng unknown numbers. Hindi ko alam kung saan niya nakuha ang number ko. Ganun siguro siya makapangyarihan. Mag ingat daw ako sa mga galaw ko dahil isang araw di na ako makakauwing buhay. Pakialamero daw ako. Pinagmumura ako sa text. Kaya nga araw araw sinasabi ko sa magulang ko na mahal ko sila at thankful ako sa mga nagawa nila sakin. Kasi alam kong anytime soon mawawala rin ako. Di ko maidemanda dahil wala akong ebidensyang sya yung nag papadala ng mga messages pero siya lang ang kaaway kong alam ko na makakagawa sakin nun.

Guys, wala akong mapag sabihan. Siguro sa araw na maipo-post to, pinaglalamayan na ako sa bahay. Pero ayos lang. Atleast namatay ako sa dahilan na nagpaka lalake lang ako.

PS: Wala akong gusto sa gf niya. Hindi ko lang kayang makita na may nananakit sa babae.

Bye guys huling paalam na siguro 'to! Thanks FEUSF! smile emoticon

Jerald
2014
Other
FEU Tech

The FEU's Secret FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon