Walang Forever
"Alumni ako ng FEU and may baby na ako ngayon. Hindi kami okay ng ama ng baby ko na hindi taga feu. As in wala na.
So nung pasko, pinasyal ko yung baby ko pumunta kami ng malapit na mall samin at tinext ko yung ama ng anak ko sabi ko ""Kung gusto mong makita anak mo, pumunta ka lang dito sa *mall* nandito lang kami."" Karapatan niya yun e kahit na ano siya At yun! Pumunta nga siya dun, pagdating niya nung mall binigay ko agad baby ko saknya pero di ko siya kinakausap. Tapos nag-aya siya na umakyat sa may sinehan para hanapin yung highschool bestfriend niya pagdating namin dun sa sinehan may sinasabi yung guard ""Oh yung mga walang forever po dyan pumila lang po sa (nakalimutan ko kung saan)"" Pipila na sana ako e, yun pala movie nila Jennylyn Mercado at Jericho yung sinasabi niya. HAHAHAH.
P.S sa ama ng anak ko. Sana know your responsibility kahit na ngayon may iba ka na. Pero di na lang siguro ako aasa kasi ni isang motibo na naalala mo ang anak mo wala. Mabuti na sigurong last na yung pakikipagkita namin sayo nung pasko. "
Broken mom
2011
Institute of Arts and Sciences (IAS)
FEU Manila