Matalik na Kaibigan

1.9K 28 1
                                    

Matalik na Kaibigan

"Matalik na Kaibigan: Yan tayo e. Alam ko ang cliché pero since prep pa tayo magkaibigan diba?

Wala tayong malice, kasi panget ako gwapo ka. Okay diba? Walang sparks.

Pero sakin? Tss, ngiti ko palang alam mo na kung anong ibig sabihin ko. Manhid ka lang talaga sigyro kasi di mo ako nakita as babae.

Bata ka palang habulin ka na ng chicks hanggang sa nag college tayo at tangina kahit ang dami mong naging girlfriend andito ako tagaisip kung anong ibibigay mo sa kanya o kaya sa kanila.

Di ako nagalit sayo kahit na minsan wala na tayong time para magdota o kaya magbball, wait, babae ako ah?

Marami kang kalokohan at madalas ako ang sumasalo noon sa magulang mo. Dahil hinabilin ka sakin ng magulang mo. Tinanong nga nila bakit di mo raw ako nililigawan tinawanan mo lang. Sakit ah. Marami na tayong pinagdaanan. Sakin mo kinuwento nung first time mong makapanood ng porn, Uy, ako din ang first kiss mo, Sa kamay ko kaya ikaw nakahawak nong nagpatuli ka hindi sa tatay mo. Ako kaya first kasuntukan mo, Sakin ka umiyak nong pinalayas ka. Yun pala, surprise yun ng mama mo dahil binili ka na ng condo.

Mayaman ka, may kaya lang kami kaya walang malice. Iba kasi level mo.

Pero kahit ganon, di mo ako nilalayuan. Wag ka magaalala hanggang dulo, ikaw pa rin ang pipiliin ko kasi ikaw ang isa sa pinakamahalagang taong dumaan sa buhay ko.

Ngayon? Wow. Ikakasal ka na, engaged ganern at ako? Wedding singer pa. Susyal no?

Kasi tayong dalawa? Matalik na kaibigan walang malisya at bukod sa lahat walang sparks.

Huli man na ang lahat, tandaan mo pag hirap ka na andito ako, ang bestfriend mong number one priority ka. 

Ps, I love you."

Georgéine
1238
Other

The FEU's Secret FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon