Moments ni Celebrity & Ex-Seminarian na di nalaman ng madlang-Pipol

2.8K 49 2
                                    

Moments ni Celebrity & Ex-Seminarian na di nalaman ng madlang-Pipol 

"Bruh & bro, Pasensya na, biglang nag-flashback sa akin yung college days natin. First paragraph palang nung confessions mo celeb, alam kong Ikaw yan! The toknene scenes! Hahaha. And the holdap gimmick, aruuuh! But there are more moments na di mo isinali. It's either masyado ka nang nahabaan sa confession mo o nakalimutan mo na which I doubted.
Well, here are some...
- yung nag-ayang mag-pinky pop si a.k.a ""Gio"" dahil finally in good terms na kau. Naalala mo yung nagkapit-Kapit tayo ng kamay ng mga barkada dahil malapit na mag-red light tapos Saka tayo tumawid? Pakana mo yun eh. Napagalitan tayo ng driver ng jeep. Nagpapakamatay raw tayo pero tinawanan lang natin si manong. Nakita yun ni Gio na nakaabang na sa may labas ng pinky pop. Pinagalitan tayo particular Ikaw. Nainis ka kaya nag-walk out ka. Hinabol ka niya at nabalik sa kanya yung insidente . Pinagalitan siya ng driver dahil Muntik ng masagasaan si Gio. The shock & fear were all written in your face. Dun namin nakumpirma na may tama ka Kay Gio!
- yung Nanonood tayo ng movie na alive. Sobrang serious kami nun Kasi nakaka-touch yung nagugutom na yung mga survivor pero bigla kang umutot! Lahat ng barkada , Nainis sa yo at nagtakip ng Ilong. Pero si Gio, tawa ng tawa sa yo. Siguro he finds it cute. Eeeew!
-yung sumali tayo sa rally sa mendiola, Hindi dahil mga activists tayo kundi gusto lang natin ng libreng burger na ipinababahagi sa mga rallyist! Idea mo Rin yun. Cutting-classes tayo nun remember? Ayaw sana sumama ni Gio dahil ayaw niya mag-escape ng class pero nag-aalala siya na magkaroon ng riot at mapahamak ka kaya sumama siya
- yung nabu-bore tayo sa pangasinan nung Minsan nagpunta tayo sa bahay Nina Pam, sabi mo may magandang pampaalis ng boredom. Kaloka yung naisip mo, pinagdiskitahan mo yung aso Nina a.k.a Brent.Tinanggal mo yung tali at nagpahabol tayo. Muntik na akong makagat nun, Buti biglang dating ng nanay ni Brent.
-yung nanghihingi tayo ng piso sa recto. Hindi dahil short tayo kundi gusto mo lang malaman Kung magkano mali likom natin. Hiyang-hiya nun si Gio pero Nakijoin na Rin Kasi ayaw niyang masabing kj.Naka-siyete naman tayo. Hahaha
- yung tinanong mo si Gio Kung ANO ang ideal girl niya. Sabi niya: mahinhin, masipag at May sense kausap. Laglag ang panga mo nun Kasi sabi mo sa akin: Wala, basted ka na Kasi maingay ka, Tamad ka at May humour ka lang pero walang sense. Pero kami ng barkada, alam namin na Ikaw ang tinutukoy ni Gio Kasi maingay ka lang at Maharot mag biro pero conservative. Ikaw lang kaya ang walang bf sa barkada that time. At masipag ka. Ikaw lang naman ang mahilig magkalkal ng pusa. At Sinong may sabing Wala kang sense? Eh bakit sa yo nagpapa-advice ang barkada pag May heart problem?

Ang dami pang ala-ala pero yun ang pinaka masayang memories ninyo ni Gio na kasama kami ng barkada smile emoticon

I knew you two use to love each other, wrong timing nga lang. Pero okay na Rin Kasi both happy na kayo sa mga respective partners nyo. Yun nga lang pag nag-ge-get together ang barkada, di maiwasan ang tuksuhan. Kawawa si Gio Kasi nasa ibang bansa siya, siya Tuloy mostly ang topic at di niya ma-defend ang sarili pag binabalahura natin siya! Hahaha
Peace Gio.

Hays! Magplano ng reunion pag nagbakasyon next year yung family ni Gio dito sa Pinas.

PS
Siguro naman sa screen name palang alam na ninyong dalawa Kung sinong barkada ninyo ang nag-pay tribute sa love team ninyo. Hihihi"

Batgirl
2015
Institute of Arts and Sciences (IAS)
FEU Manila


The FEU's Secret FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon