Mandy
I was staring at a woman in church and she was just sitting beside me. Umiiyak siya habang nagdadasal. Wala siyang panyo so I politely offered mine. Nung una hesitant pa siyang kunin pero tinanggap niya rin. Bumalik ako sa pag re-repent. Bago siya umalis binalik niya. Nag thank you siya.
She's very decent, simple woman but indeed beautiful. Since that day hindi na siya naalis sa isip ko.
Hindi ko man lang nakuha ang pangalan niya. Hindi ko man lang alam kung saan siya hahanapin. What I did, nag dasal ako. Sana makita ko pa siya.
Three months have passed pero hindi ko parin siya nakikita ulit kahit everyday na akong bumabalik sa church na yun. Nawalan na ako ng pag asa. Hanggang sa paalis nalang ako nun nang nakasalubong ko siyang papasok ng church. Hindi na ako nag dalawang isip. Inapproach ko agad siya. Ayaw ko ng sayangin ang chance. Nandito na. Nasa harap ko na siya ulit.
"Hi! I'm Ron."
Napakunot pa siya at siguro inaalala kung saan niya ako nakita. Naalala niya na ako ang nag offer ng panyo sa kanya.
"Mandy" sagot niya. "
After niyang mag simba niyaya ko siyang kumain sa labas. At mas lalo ko siyang nakilala. Mas lalo ko ring narealize yung simpleng kagandahan niya. She's 5 years older than me but it doesn't matter 22 lang ako, 27 siya. Wala na siyang pamilya at mag isa nalang sa buhay. Nag tatrabahong mag isa para sa sarili.
To make it briefly, hindi ako humingi ng number niya. Instead, hinatid ko siya pauwi. Wala ng paliguy-ligoy pa, gusto ko siyang ligawan. Ligawan sa paraan na dadalawin siya at hindi lang sa text o social media. Hinatid ko siya para next time alam ko kung saan siya pupuntahan.
Mabilis ako, mabilis ako sa mga bagay na alam kong gusto ko. Gagawin ko ang lahat para makuha ang bagay na yun. At gusto ko si Mandy. Gusto ko siyang makuha.
Niligawan ko siya. Dinadalaw sa bahay. After 4 months na pag pu-pursue naging kami.
Parang magic ang lahat. Ang ganda ng relationship namin. Ang healthy. Walang problema. Tumagal kami ng 6 months at narealize ko na siya na talaga ang babaeng gusto kong makasama sa buhay ko.
Birthday ng dad ko inimbitahan ko siya sa bahay para ipakilala na sa parents ko. My parents were very excited to finally meet her. Surprise kong ipapakilala sa kanila ang kauna unahang babae na dadalhin ko sa bahay. The one that soon to be my wife.
Pag dating ng bahay salungat ng inaasahan ko. Sumimangot ang mom ko. Sumigaw. "Palayasin mo ang pokpok na yan dito!"
Nagulat ako. Hindi ko alam kung sino ang tinutukoy niya. Tinuro niya ang girlfriend ko at inuutusan akong paalisin siya. Si dad tahimik. Mom ko galit na galit. Hindi ko alam kung bakit. Hindi ko nagawang mag tanong. Nagulat ako sa reaksyon ng mom ko. Hanggang sa lumabas nalang sa bibig niya ang dahilan..
"Yan ang dating kabit ng tatay mo!"
Napatingin ako sa girlfriend ko. Umiiyak siya. Tumakbo pa-labas. Hinabol ko.
"Totoo ba yun?" Tanong ko.
Hindi siya sumasagot. Iyak lang siya ng iyak.
Dala ng bugso ng damdamin nasigawan ko siya.
"TOTOO BA YON HA?!"
Tumango siya.
Tumakbo siya pa layo at hindi ko na ulit hinabol.
I felt betrayed. Hindi ko alam ang mararamdaman ko pero ang nangingibabaw ay ang galit at pandidiri. Muntik ng masira ang pamilya namin noon dahil sa kabit ng dad ko na hindi ko kilala. Madalas sinasaktan niya ang mom ko kapag nag aaway sila. Naging miserable ang lahat ng dahil sa pakikipag affair ng dad ko sa iba. Lumaki kaming magkakapatid na may galit sa babaeng yun. At siya ang sinisisi namin noon kung bakit gabi gabing umiiyak ang mom namin.
Sadyang mapaglaro ang tadhana. After three years na pagiging faithful at matino ng dad ko sa pamilya babalik ang babaeng sumira sa amin noon. At naging girlfriend ko pa.
Hindi na ako ulit nag paramdam sa kanya. Bumalik din ang galit ko sa dad ko.
Hindi ko siya pinansin simula nang araw na yun. Pero isang araw nilapitan niya ako. Tinanong ako kung pwedeng makipag usap. Tinanggihan ko. Pero nang sabihin niyang tungkol kay mandy napa tigil ako.
"Hindi masamang babae si Mandy. Ginawa niya lang ang lahat para sa nanay niyang nasa ospital noon. Pinasok niya ang pagiging bayaran noon para may ipambili ng gamot para sa nanay niya. Wala na siyang pamilya. Aaminin kong isa rin ako sa nag bayad sa kanya. Pero anak hindi siya masamang babae."
Nag walk out ako. Hindi ko na maatim marinig pa. Masakit. Ilang buwan kong hindi natanggap.
Hanggang sa homily. Narinig ko ang mga salitang "Hindi lang ang magulang kundi lahat din ng anak gagawin ang lahat para sa kapakanan ng kanilang magulang..."
Siguro nga ganon nalang siya kadesperada para sa kapakanan ng nanay niya. Siguro ganon nalang siya ka hopeless. Na realize ko na mali akong husgahan siya.
Hinanap ko ulit siya. Pinuntahan ko sa bahay nila ng ilang beses pero wala palaging tao. Lumapit sakin ang isang kapitbahay nila at sinabing "kung si Mandy ang hinahanap mo, nilibing na siya nung isang linggo... Pumunta ka sa.." parang nawalan ako ng pandinig sa mga unang salitang narinig ko...
Ngayon tanging pangalan niya nalang sa puntod niya ang nakikita ko at ang masaya niyang mukha sa isip ko.
Naging mapaglaro ang tadhana para samin ni Mandy. Pero isa siya sa pinaka magandang ala alang nangyari sa buhay ko.
Masaya na ako ngayon sa sarili kong pamilya. Mahal ko ang mga anak ko at lalo na ang asawa ko at hinding hindi ko gagayahin ang ginawa ng dad ko sa pamilya namin dahil alam ko kung gaano yun ka sakit.
Ron
200*
Other
FEU NRMF