Bestfriend

1K 8 1
                                    

Bestfriend

Ako lang ba dito yung walang bestfriend? I mean, oo. May mga kaibigan tayo na nakakasa-kasama palagi pero wala yung bestfriend na pwede mong iyakan at sabihan ng lahat ng hinanakit mo sa mundo. Yung tiwala kang hindi ka ichi-chismis sa iba. Yung tiwala rin sayo na kaya niyong mag tago ng sikreto ng isa't isa.

Yung hindi awkward hingan ng tulong at di ka natatakot kung ire-reject man niya yun. Yung kaya mong ipakita ang pagka jologs mo at tunay na ikaw na walang halong pag papanggap at walang halong hiya kasi alam mong kahit anong mangyari at kahit ipakita mo ang worst attitude mo hindi ka niya iiwanan.

Yung bestfriend na facial expression mo pa lang alam niya ng hindi ka okay. Ipagtatanggol ka sa iba kahit wala ka. Yung bestfriend na ikakasaya ang mga bagay na ikakasaya mo. Susuportahan kang umangat at hinding hindi ka kaiinggitan. Magkatampuhan man kayo konting yakapan lang at iyakan okay na. Yung bestfriend na parang anino mo na hindi man palaging nasa tabi mo pero alam mong nandyan siya para sayo. Tatawa kasama mo. Iiyak kasama mo. Magagalit kasama mo.

Nakaka inggit ka kung may bestfriend ka. Ako kasi, wala, walang ibang bestfriend kundi sarili ko lang. 💔

Wanted bestfriend
2013
Other
FEU Makati

The FEU's Secret FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon