NAKAKAHIYA
"NAKAKAHIYA
Inaya ko yung crush kong uminom sa bahay nung Christmas eve with our friends. Pumayag naman syang pumunta pero saglit lang daw sya at sunduin daw namin sya sa babaan ng tricycle kasi hindi niya daw alam papunta sa min.
Nagtext na sya sakin sabi niya nasa terminal na sya ng tric. So ako naman nagmadali hanap ng pinakamagandang damit para ma-impress si Crush, sa sobrang pagmamadali ko di na ko nakapag salamin or nakapag ayos man lang, nagtali na lamg ako ng buhok para di masyado halatang walang suklay.
Nasa bahay na kami, pinakilala ko sya sa iba kong friends. Tapos yun usap usap kaming dalawa tapos napapansin ko parang hindi siya tumitimgin sakin pag nagsasalita siya o kaya pag tumitingin parang medj nandidiri siya. So ako di ko na lang pinansin baka ganon lang talaga sya.
Nagpaalam na sya na uuwi na sya kasi sumaglit lang talaga siya, hinatid na namin sya sa sakayan. Pagkabalik namin ng bahay una kong ginawa nagsalamin ako at nagulantang ako sa nakita ko nandidiri ako sa sarili ko parang gusto ko ng kainin ako ng lupa ng time na yun may kulangot ako! Oo, kulangot! Putang ina!!! Nagtataka ko bakit di manlang sinabi ng friend ko. Napaka ahas nya! Huhuhu Minsan na lang umaura epic pa!! Kaya pala hindi makatimgim sakin si Crush. Huhu! Paskong pasko minamalas ako!! "
YOU-DONT-DO-THIS-TO-ME
2014
Institute of Tourism and Hotel Management (ITHM)
FEU Manila
![](https://img.wattpad.com/cover/59907582-288-k718689.jpg)