Nararamdaman muna ba na iwan ka ng bf mo?
"Naranasan mo na ba iwan ka ng bf mo?
Nung January 03,2016 anniversary namin ng bf ko. Syempre pag anniversary nag eexpect ka na may magandang mangyare.Opppss! This is our conversation.
Me: Babe nasan ka?
Sya: Nandito sa bahay.
Me: Babe kain tayo sa mcdo nag ccrave ako sa fries eh.
Sya: sige ba,What time ba babe?
Me: Mga 1:30pm. Kailangan maaga kasi may church pa kami pag dating ng 5:00.
Sya: Kita na lang tayo sa robinson, sasabay ako kila mama, pupunta kasi sila sa parlor so sasabay na din ako mag pagupit. Atsaka babe mag text ka pag papunta kana.
Me: Okay babe. Exactly 1:00 andun na ako.Pumayag sya na kumain kami sa mcdo, So ako syempre excited na makita sya ilang weeks kasi kami hndi na kita sa sobrang busy.
sya: babe nasan kana?
Me: Robinson na babe
Sya: sabi ko sayo mag text ka pagpunta kana. Pero sige punta kana lang muna dito sa may mercury kasama ko pa kasi sila mama may binibili lang kami
Me: Okay babe.(Naglalakad papunta mercury)
Me: Hi tita. (bless)
Tita: Hello nak, Sino kasama mo?
Me: Ako lang po.
Tita: Bakit may lakad kayo ni *****
Me: Meron po tita, Kakain lang po kami sa mcdo.
Sya: Tara na babe alis na tayo.
Me: Okay babe. Bye tita
Sya: Bye Ma! __So ayun nga nag lalakad na kami papunta mcdo, Bigla sya nag salita sa akin.
Sya: Dba sabi ko sayo mag text ka sa akin pag papunta kana.
Me: Eh, Tinamad na ako mag text.
Sya: Yan tuloy mag hhinala na naman si mama.
Me: What do you mean?
Sya: Nevermind.Habang nag llakad kami hndi ko na sya pinapansin sa sobrang inis ko sa kanya hndi ko alam kung anong ibigsabihin nya na mag hhinala so as a girl mag iisip ako ng mga negative thing.
Sya: Babe bakit hndi ka namamansin.
Me: Wla pagod lang ako. Tara na ayoko na kumain uwe na tayo.
Sya: Ano na naman ba problema mo?
Me: Wala nga tara na.
Sya: Ang arte mo noh. Tara na umorder na tayo.
Me: Ayoko na nga kumain! Pwde ba ikaw na lang umorder?
Sya: Tara na babe. Matampuhin ka masyado.
Loveyou na. Dali na kain na tayo. (sweet)Yan nag order na si boyfriend ng pagkain namin, Syempre ako nag tatampo pa rin ako sa kanya.
Sya: Babe tara kumain kana.
Me:(Nag cecellphone) Ge kumain kana diyan.
Sya: Sige babe basta babe mahal na mahal kita kahit matampuhin ka.So yun nga pag katapos namin kumain umalis sya. Mga 5mins nag tataka ako bakit ang tagal nya bumalik. Pumunta ako sa cr para i check kung andun sya, Pero pag punta ko doon wala naman sya. Nag tanong-tanong pa ako sa mga crew kung may nakita sila lalaki na naka black tshirt and blue pants. Tapos sabi nung crew wala daw. So yun nga Kinabahan na ako bigla, pumunta din ako sa isang shop para icheck kung andun sya, Pero wala din. So I decided na mag paload para tawagan sya.
.. Kring, Kring!!!!!
Me: Nasan ka?
sya: Nasa bahay na.
Me: Ayos ka para ako tanga na nag hhntay sayo doon at hinahanap ka kung saan nag babaka sakali lang ako na, Baka umihi ka lang o di kaya may binili ka lang, Yun pala umuwe kang walang paalam.
Sya: Di ba nag tatampo ka sa akin, Tapos ang init pa ng ulo mo, then hndi mo pa ako pinapansin habang kumakain tayo, Sa tingin mo hndi ako magagalit sa ginawa mo!!! Nag mumukha ako tanga doon ******. Napapagod na ako panay suyo sayo. Di mo din alam na sobrang nasaktan ako nung hndi mo ako pinapansin!!! Halos mukha na ako tanga kakasalita sayo
Me: Ako? sa tingin mo ba hndi ako nasaktan doon sa ginawa mo? INIWAN MO AKO **** , akala ko ba naman mg ccr ka lang yun pala umuwe kana.!!!!! Sobrang sakit nun ******, _____________
Sya: Sorry na babe!
Me: Simula ngayon ayoko muna makipag kita sayo or chat man lang. Diko makakalimutan yung ginawa mo sa akin.
sya: Sorry Na Babe! _
Me: Seen!Kaya kayo mga lalaki kahit ano man tampo ng gf nyo, Intindihin nyo na lang. Mag pasalamat kayo kasi may gf kayo matampuhin kasi yung mga matampuhin sila yung mga nag mamahal ng totoo. ayyy charot hahahaha _ Basta kahit ano man mangyare huwag nyo iiwan yung gf nyo. _ Huwag nyo gayahin yung bf ko sira ulo. Hahahaha _ "
Ganda
2014
Institute of Accounts, Business, and Finance (IABF)
FEU Manila