Malas na araw

2.9K 45 0
                                    

Malas na araw

Late na late as in late na talaga ako nun sa opisina may meeting pa kami. Kung kelan kasi kailangan gumising ako ng maaga saka naman hindi ako nagigising! Bullshit! Coding pa ako nun so tinry kong mag taxi pero pucha 30 mins na akong nag hihintay wala din talaga! Sobrang bad day! Sobrang malas! Edi pinagtyagaan kong mag FX.

Pucha nung kukuha ako ng pambayad naalala kong naiwan ko yung wallet ko sa kwarto ko kakamadali! Hindi ko alam kung anong gagawin ko may maipambayad lang sa FX as in talagang namutla talaga ako at pinagpapawisan ng malamig sa kaba. Hanggang malapit na sa babaan sabi nung driver "Oh yung mga wala pang bayad diyan!" Shit pinaparinggan na 'ko!

Napalunok nalang ako. Hindi ko alam kung manlilimos ba ako sa mga katabi ko o mangungutang. Itsura ko naka coat pa ako, naka slacks, black shoes with silver watch and brief case for files sa presentation tapos manlilimos? Bullshit talaga! Ewan ko kung anong pumasok sa isip ko bat bigla kong nasabi na "MANONG, tumatanggap ho ba kayo ng credit card?" *sabay abot nung credit card ko*

Tinignan ako ng masama ng Driver. Naisip na sigurong wala akong pambayad. Pati mga pasahero tinginan sa akin. Hanggang sa makababa na lahat ng pasahero, ayaw akong paalisin ng driver hangga't di ako nagbabayad, napilitan tuloy akong ibigay yung relo ko. Tang ina mahal yon. 😖 Pamasahe ko kwarenta, binayad ko higit 8k na relo makaalis lang tapos pag dating ko ng opisina cancelled pala ang client meeting.

MAPAPA- P*TANG INA KA NALANG TALAGA!

Buong araw akong nag sungit sa mga secretary at mga ka-opisina ko sa sobrang badtrip!

PS: Walang nakaka alam na fan ako ng page na 'to. Hindi ko to ni-like pero ito lang nasa search tab ng facebook ko. Medyo pang teenager kasi 'to at hindi nila alam kapag sinabi kong cancel lahat ng meeting for the day, pagbabasa lang dito ginagawa ko. Hehe. 😎

Steffan
2002
Institute of Accountants, Business and Finance (IABF)
FEU Manila


The FEU's Secret FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon