Irreg

1K 2 0
                                        

Irreg

"Hi admin oks lang kahit di ma-post basta gusto ko lang may magawa ngayon.

First year lang ako pero irreg na ako. Wala akong bagsak, transferee kasi ako. Ang hirap pala grabe! Pero wala eh ginusto ko to kaya dapat panindigan. Galing ako sa school sa QC tapos lumipat ako dito sa FEU mnl. Konti lang na-credit na subjects kaya irreg talaga kinalabasan hahaha.

Wala lang. Ang hirap lang kasi ang haba haba ng vacant ko tapos wala akong makasama. May mga kaibigan naman ako dito kaso may iba din silang kaibigan na sinasamahan. Ang hirap lang lalo sa room, kailangan mo mag adjust kasi nakikisama ka lang sa block nila. Kapag may hindi ako naiintindihan wala akong mapagtanungan. Walang kumakausap saken, ayoko naman mauna kasi wala naman ako sasabihin sa kanila. May ilan lang akong pwede nang sabihing kaibigan pero yung kaibigan na hanggang room lang, kapag sa labas wala na snob na. Yun lang naiinip lang talaga ako pati walang magawa & makausap hahaha.

Ps: tinatype ko to habang nasa library ako. Mag-isa kasi walang makasama. "

H---
2015
Institute of Accounts, Business, and Finance (IABF)
FEU Manila

The FEU's Secret FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon