My Kind of Girlfriend

1.7K 9 0
                                    

My Kind of Girlfriend

"I have Girlfriend for 8.5years. Kami na since grade 6 ako. Yung relasyon namin is hindi perfect. We have kind of relationship na its either magaaway kami or lambingan, madalang ang laughtrips, madalas boring. Pag may pera mag road trips. Nasanay na kami sa buhay ng isa't isa. Nasanay na kami sa nakasanayan ng isa't isa. Madalas magaaway kami dahil sa maliliit na bagay. Pero despite of those imperfections, sobrang mahal na mahal ko tong girlfriend ko.

Merong mga sobrang malalaking pagsubok na dumating samin since magkasama kami simula bata. Nag college, nag trabaho, sobrang hirap. Hindi ko rin maimagine na marupok siya. Sobrang mahal na mahal ko siya. Gusto ko kahit magkamali siya ako pa rin ang maiisip niyang mag cocomfort sknya. Hindi kami perfect.

Sa buong 8.5 years. Ang tanging nagawa plng namin ay mabibilang mo plng. Madalas manonood kami ng sine. Pero mas madalas nakahiga sa kami, nganga dahil walang pandate. Minsan kpg may makukuha pa sa pitaka tamang foodtrip lng ng streetfoods, junkfoods...

Siguro nga walang forever sa amin because we are both girls. Pero alam nyo ba kung anong gusto kong i-build up about our relationship? Gusto kong matuto kami na everyday is forever. Ung matuto kami na mas lalo pang pahalagahan ang bawat araw na pagsasama at pagmamahalan namin. I really love my Girlfriend.

I dont have enough time for her, i cant take good take care of her, and may be. Just may be. I am not the perfect person for her. Lage kong simasabi sknya. Sobrang swerte ng makakasama mo sa buhay kase nsayo na ung tipikal na babaeng ninanais ng bawat lalake.

Mabait, mapagmahal sa pamilya, masarap magluto, bubusogin ka kapag may budget, hindi magsasawang magkwento kahit di ko trip kwento niya, hindi magsasawang paalalahanan ka na kumain kna, pero syempre may mga pagkukulang din dahil nagbabago ang sitwasyon at role natin sa buhay. Masarap at masaya maging girlfriend ang girlfriend ko.

Hindi ko siya pinapamigay, sabi ko nga sknya dito sa huling naging problema namin. Gagawa tayo ng way para sa relasyon natin para ma save up. Hindi na ako mag iisip ng what if what if. Basta lage mong tatandaan na mahal na mahal kita. Hindi mababaw ang pagmamahal ko sayo para masira ng isa o higit pang kasalanan.

And for you babe, you know how much you mean to me. Sobrang hirap mabuhay kapah nawala ka. Naging komportable na ko sayo, nag settle na ko sayo for 8.5years. Kahit sabihin ng iba na masyado pa tayong bata nung nagkakilala tayo. Nkaabot tayo ng ganito katagal. Sana tayo nlng ang involve plge sa relasyon natin. Sana we always make it to the point na mahal natin ang isat isa. Sana wala ng mang husga sa atin. Mahal na mahal kita. And may this 2016 be better for us. I love you so much babe. Hindi kita iiwan sa panahon na kailangan mo ko. Itaga mo yan sa bato. Mahal na mahal kita.

Message to admin:
Sana admin ma post tong confession ko, pang ilang share ko na to never na post ung iba. More power sa feusf. Godbless us all."

Thomas and Friends (TF)
2012
Institute of Accounts, Business, and Finance (IABF)
FEU Makati

The FEU's Secret FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon