Drugs
This is not a lovestory nor a confession about my life. I just want to ask for an advice from you guys.
My boyfriend is a drug addict. Hindi naman siya gano'n nung nagkakilala kami. Sobrang bait niya nun. Maka-Dyos. Pala-simba. Matalino, palaging top sa klase niya sa UP. Pero simula nang mamatay ang dad niya nadepressed na siya. Of course as a girlfriend, I am always at his side to cheer him up. Pero ganun niya talaga ka-mahal yung dad niya na kino-consider niya ring bestfriend simula pa nung bata pa siya.
May mga times na ayaw niya akong pansinin. As in, walang paramdam at all. Pinapatayan niya ako ng phone. Palagi siyang wala sa bahay nila. Hindi na pumapasok. Akala ko sa inom lang siya nalulong pero pati narin pala sa masamang gamot. Nalaman ko yun nang makita ko sa bag niya. Gusto niya pang itanggi at mag sinungaling pero kinalaunan inamin niya rin at wala na raw akong pakealam dun kasi buhay niya yun.
He is destroying his life and everyday he is getting worse. Nawala na yung siya na nakilala ko. Matalino siya pero hindi ko alm kung bakit hindi niya nagamit yun para labanan ang emosyon niya. Madalas umiiyak nalang ako kasi hindi ko na siya makontrol. Minsan napag bubuhatan niya pa ako ng kamay dahil pinipigilan ko siya sa bisyo niya.
I love him, so much. Kaya nag tatyaga pa ako sa kanya at umaasang magbabago pa siya. Pero yung mga magulang ko na ang nag pu-push sakin na iwan ko na siya. Mga magulang ko na noon bilib na bilib at botong boto sa kanya. Nagpapaka tanga daw ako sa taong walang katuturan ang buhay. Hihintayin ko pa daw bang mabuntis ako.
My question is, should I leave him? Should I follow my parents? Nagpapaka tanga nalang ba ako? Parang hindi kasi kaya ng kunsensya ko na iwanan siya sa ganitong point ng buhay niya na nawalan na nga siya ng tatay, mawawalan pa siya ng isang kakampi at nagmamahal sa kanya. Parang hindi kaya ng kunsensya kong makita na lalo siya nalululong sa pagkasira ng buhay niya. Pero pano naman ako? 💔
Thank you sa mga mag bibigay ng advice. Thank you.
daniella
2009
Other
FEU Tech
