WOW! Sana pinatay mo nalang ako.

2.7K 34 2
                                    

WOW! Sana pinatay mo nalang ako.

Yung akala ko okay lahat samin. Yung akala ko lahat naka ayon na sa mga plano namin in the future. Yung mindset ko na, kaming dalawa til' the end at walang makakasira nun. Minahal ko siya ng higit pa sa pagmamahal ko sa sarili ko sa loob ng apat na taon. Nagpaka baba ako, kinain ko ang ego at pride ko kasi mas mahalaga siya sakin pero alam mo yun? Ilang linggo bigla nalang siyang naging cold. Tinatanong ko ang problema pero wala naman siyang masabi.

Hanggang sa may sulat nalang na dumating sa bahay namin.

Invitation letter.

Invitation letter ng kasal.

Kasal niya sa ibang lalaki at hindi sakin. Hahaha! Ayos! 😅

Hindi ko alam kung pano niya nagawang saktan ako ng ganun. Marahil hindi niya masabi ng harapan na ayaw niya na pero for fucksake! Mas masakit ang ginawa niya! Tangina niya! Ito na ata ang worst way para makipag break ka sa taong nagmamahal sayo.

Padalhan ng wedding invitation sa kasal mo sa ibang tao. Tangina!

PS: Reina best wishes nalang dahil di ako makakarating sa kasal niyo. Walang regalo at malaking p*kyu lang ang maibibigay ko! 🖕🏿

Rob
2008
FEU-Tech
FEU Manila


The FEU's Secret FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon