Beauty and the Beasts
"PAKIPOST PLEASE. Medyo mahaba sorry.
Ang alam ng lahat masayahin ako, mabait at positive lagi. Pero may sikreto ako na ako lang ang nakakaalam.
I was molested. Muntik nang marape. Nung elementary ako, yung lolo ko pinapanood ako ng mga porn. Ako naman na bata pa nun. Nanonood naman. Kaya akala ko normal lang yun. Tapos parang hindi na sya nakatiis kaya sinimulan na niya akong bastusin. Hinahawakan yung mga maseselang parte ng katawan ko, pinapasubo yung toot nya. Parang nakatunog yung lola ko, sila kasi ang kasama ko sa bahay, yung parents ko nakabukod, lola ko ang nagpapaaral sa akin. Kasama ko din ang tita at tito ko, parehas pa sila nag-aaral nun. Tinanong ako nung lola at tita ko about dun, sinabi ko yung totoo tapos nalaman ko na ginanun din pala ng lolo ko yung tita ko nung ka age ko sya. After kong grumaduate ng elementary lumipat ako sa side ng parents ko. Doon ako naghighschool. Pero hindi ako nilayuan ng nakaraan ko. Nagpaayos ng bahay yung parents ko. Magaling na karpintero yung kaibigan ng papa ko. Mabait siya, pero hindi kapag gabi. Nakikitulog siya sa amin kaya kasama namin siya sa bahay. Gabi na ako lagi natutulog nun dahil sa pasok ko tapos nasanay na ako dati pa na ako na lang ang naiiwan na gising mag isa. Isang gabi naglasing ang tatay ko at kaibigan niya. Nakatulog na nakaupo ang kaibigan ni papa, wala kaming kwarto kaya magkakatabi kami ng pamilya ko matulog. Nasa dulo ako palagi dahil favorite spot ko yun. Nang nakatulog na ako ay nagising ako bigla na parang humihila sa paa ko. Nung una ay natakot ako dahil mahilig ako sa horror at baka may multo sa paa ko pero nang tignan ko mas lalo akong natakot nang makitang yung kaibigan ni papa ang humihila sa paa ko hinila ko nalang pabalik ang paa ko nun dahil antok na antok na talaga ako. Pero nagising ulit ako na katabi ko na sya sa likod ko at nakahawak sa boobs ko. Hindi ako makasigaw dahil natatatakot ako sa kanya. Kinukurot kurot ko yung kapatid ko na katabi ko nun para magising siya pero tinutulak tulak lang ng kapatid ko yung kamay ko. Iniiwas ko ang sarili ko sa kanya pero hindi siya nagpatinag. Hinawakan na din niya ang maselang parte ko sa ibaba. Umiiyak na ako nun pero ayokong gumawa ng ingay. Kinurot kurot ko ulit yung kapatid ko at sumigaw ang kapatid ko na naiirita. Lumingon siya sa akin pero hindi ko alam kung nakikita niya ba ang demonyo sa likod ko dahil nakatagilid ako at kumot. Tumigil siya at umalis na sa tabi ko pagkatapos nun at hindi na ulit niya ako hinawakan pero diring diri talaga ako sa kanya at sa sarili ko. Hindi ako nagsumbong sa parents ko dahil ayaw kong masira ang pagkakaibigan nila na mas matanda pa sa akin. Kinuha niya ang number ko sa harap mismo ng parents ko kaya hindi ako nakatanggi tinetext at tinatawagan niya pa ako nun pero hindi ko sinasagot. Pero hindi dun nagtapos ang nangyayari sa akin, bakasyon nun, sa bahay ulit ng lola ko ako nakatira. Doon na din nakatira ang isa ko pang tiya pati ang asawa niya. Matagal ko nang kilala ang tito ko kaya hindi ko talaga inasahan na mandidiri ako sa kanya. Lasing siya nun at nakaupo ako sa likod niya habang nakahiga siya dahil nagpapalinis siya ng tenga, tulog na ang lahat sa bahay nun, kinamot ko ang private part ko dahil nangangati hahahaha tapos lumingon siya at sinabing gusto daw ba niya siya na ang magkamot. Umalis ako nun at pumasok sa kwarto ko. Hindi pa rin iyon ang lahat, sa tito ko naman sa kabilang side, tumatanggi ako pero hindi ako lumalaban halos magkaedad kami. Hindi naman kami nagsomething pero pinagparausan niya ako. May gf siya nun at may bf na ako. Hindi kami legal ng bf ko. Wala pa rin naman nangyayari sa amin kahit matagal na kami. Napag uusapan na rin naman namin ang tungkol sa something something pero may respeto siya sa akin kaya ayaw ko na din siya pakawalan. Pinangako ko sa sarili ko na kapag kinasal na kami, sasabihin ko sa kanya ang lahat. Sana nga lang at matanggap niya ako. Sana po walang magjudge sa akin."
Belle
20**
Not my real institute
