First time sa Starbucks

1.3K 11 0
                                    

First time sa Starbucks

"Second yr college kami noon nang biglang nagkayayaan sa Starbucks dahil may happy hour daw 50% discount.

Edi siyempre sama ako kasi kaya naman, oo first time ko hahaha tapos may isa rin ako kasama na first time rin.

Eto na

Pagpasok sa loob ng starbucks, grabe yung ambience hahaha the aroma haaay heaven

Edi umupo muna kami tapos sabi nung isa naming classmate na umorder na raw kami. Sabi ko mamaya na finifeel muna namin yung ambience hahaha saka di namin alam pano yung process nang pagbili haha takteng yan!

Maya-maya nauna na yung ilan naming classmates at nakabalik na rin sa table namin. Ilan na lang kaming di pa nakakabili so bago ang lahat tinanong muna namin ano ba sasabihin, sabi pili nung flavor daw tapos size then bayad na. Ang napili namin java chip ata yun, nagpractice pa kami bago pumunta sa kahera. Hahaha edi eto na nagtutulakan pa kami kung sino mauuna at ang nangyari ako nauna. Haaay! Papalapit na kami dahan-dahan, excited na kinakabahan. Nasa likuran ko lang yung kaklase ko so eto na talaga..

NV

Cashier: Yes sir?
Me: Java chip, venti. (confident voice haha)
C: What else sir?
M: Ahh none (sabay iling)
C: *insert price* sir
M: (inabot ko yung bayad)
C: (inabot sukli)

Tapos tinignan ko kaklase ko na parang sobrang proud na proud ako hahaha nang biglang nagsalita ulit si ateng cashier

C: Ah @#$%""&?(;;%#@$ sir?

Kinakabahan ako di ko siya naintindihan tapos nirerecall ko kung may nakalimutan ba ako sa practice namin hahaha

Mga 4secs akong tulala hinihintay ni ate sagot ko

1..
2..
3..
4..

Tumango na lang ako sabay sabi ng mahinang ""Opo.""

Biglang napangiti si ate di ko alam kung bakit. Tapos sabi ng kaklase ko,
""Oy what's your name daw! Hahaha!""

Sabi ko, ""Ay **** po."" Hiyang hiya na ko nung mga minutong yan hahaha oo nga pala nilalagyan ng pangalan yun sa gilid. Name of the cup pala hahaha takteng yan!

Tingin ko kasing tanong niya kung gagawin bang strong or dadagdagan ng milk or basta. Oo na lang nakabayad na naman ako e, e iba pala. Hahahaha!

Yun na yung una't huli ko sa starbucks, nadala na ko e saka kasi gusto ko masasabi kong worth it yung paglalaanan ko ng pera. Para sakin lang naman 'yon na di ako masasatisfy ng kape na yun. Naiisip ko kasi makakabili na ako ng isang kilong bigas tapos makakaluto pa ko ng konting adobong manok sa halagang yun(yung walang 50% discount). Pero kung nasasatisfy kayo, sige lang di ko kayo pinipigilan. Mas prefer ko lang talaga ang adobong manok, thank you!"

KM
2011
Other
FEU Cavite

The FEU's Secret FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon