Hypocrites Be Like
"Admin, please please please lang po pakipost nito kailangan malaman to ng buong feu community
Please lang kahit hindi to spg pero basahin niyo.
Education is defined as the process of receiving or giving systematic instruction, especially at a school or university. Oh naintindihan niyo ba? Ganito na lang.
Bakit nga ba tayo nagaaral? Diba para matuto, para mapalawak yung knowledge natin, para madevelop yung skills natin and para ma-acquire natin yung tamang ATTITUDE towards other people.
Pero matitiis niyo ba pag may isang student na ang taas ng grades eh kodigo at pag plagiarize lang naman ang puhunan. Ikaw dugo at pawis na lumalabas sa'yo para matuto ka at para tumaas yung grades mo samantala yung iba pa kodigs kodigs lang? Oo normal na yun pero normal pa rin ba yun pag palagi nalang, every tests in every subject ganun siya?
Matitiis niyo ba yung pang-aalipusta niya at pagiging bossy niya sa inyo porket mas mataas yung grades niya sa inyo?
Matitiis niyo bang sabihin niya sa ibang tao na WALA KANG KWENTANG TAO KASI BOBO KA SAMANTALANG SIYA LEADER SIYA KASI MATALINO SIYA.Bakit ganon guys? Kung sino pang cheater siya pa yung mataas ang grades samantalang yung iba na kulang nalang ay mamatay para lang matuto ay yun pa yung mababa yung grades?
Bakit kung sino pang walang alam eh siya pa yung panay utos habang yung talagang marunong ay naaapi at nauutos utusan lang?
Bakit kung sino pang madumi ang trabaho, ay siya pang pinupuri ng iba samantalang yung iba kahit alam mong napakagaling na ay alam pa rin pano magpakumbaba.
Bakit kung sino pang walang respeto, sino pang insensitive, sino pang walang ginawa kundi mangodigo at mambilog ng ulo ng prof ay siya pa yung kinikilalang pinakamatalino sa lahat.Nakaka-down. Nakakawalang gana mag-aral
Nawala na ang real meaning ng education. Di man lang ako nainform na yung meaning na pala nun is AIMING FOR HIGH GRADES AND PRAISES FROM OTHER PEOPLE. wala na pala yun LEARNING!
Hoy Ate, sinasayang mo yung tuition mo kung ganyan ang ugali mo. Sa bagay scholar ka naman eh kaya okay lang sayo. Pero pwe! Talino daw, napaka uneducated mo naman sa ugali dahil sa pagiging competetive mo. Napaka desperado naman sa grades napaka gahaman. Okay lang sana eh wala naman akong pakialam pero kung mananapak ka ng ibang tao, kung manggagamit ka ng ibang tao para lang tumaas ang grades mo, nako ibang usapan na yan.
Kaya sa mga prof, nako sorry po ako na magsasabi sa inyo na simula't simula pa lang binibilog niya na yung ulo niyo. Di niyo lang alam yung mga baho niya. Nakakalungkot po kasi yung ibang tao na alam mong nagsisikap ay di man lang nabibigyan ng opportunity na mapansin, kasi yung nababaling yung atensyon niyo sa maling tao. Sa taong akala niyo eh napakatalino pero andumi naman ng trabaho.
Sa mga estudyante na akala eh kung sino siya kagaling pero sorry, pinagmumukha niya lang kayong tanga sa harap namin na nakakaalam kung sino talaga siya.
At ate ALAM MO mas gugustuhin ko pa makipagkaibigan sa taong bumabagsak pero kita mo yung effort nila, marunong parin magpakumbaba, handa talagang matuto at may respeto pa rin sa iba kesa naman sa mga gaya mo na mataas nga ang grades pero sa palinisan ng konsensya, at sa pagandahan ng ugali ay wala namang binatbat.
Nagtatagumpay ka man sa mga plano mo ngayon pero ate, di ko alam anong mangyayari sayo pagdating ng araw. Karma mo nalang kung anong mangyari sayo basta kami hindi ka namin hinahadlangan sa kaligayahan mo. Pasalamat ka hindi ka namin sinusumbong sa mga prof kasi kung nagkataon, masisira yang pangarap mo na maging top 1 sa buong feu. Pwe!
Kung ipagpapatuloy mo yan, edi wow. Bahala ka sa buhay mo. Kainin mo yang walang kwentang grades mo.
And last thing, pwede ba tigilan mo na yang pagdasal mo para lang bumagsak yung ibang tao. Padasal dasal ka pa para lang sabihin ng iba na santo ka. Tss ginamit mo pa ang Diyos para matakpan yang mga kasalanan mo.
Kaya kayo, wag niyo siyang tutularan. Magsikap pa rin tayo, kahit di na tayo natutulog ng ilang araw para lang mag aral pero promise sa huli makakamtan natin ang tunay na kaligayahan. Ganun talaga, hirap muna bago ang sarap.
""The function of education is to teach one to think intensively and to think critically. INTELLIGENCE PLUS CHARACTER - that is the goal of TRUE education."" - Martin Luther King, Jr"
Batman
2014
Other
FEU Tech (FIT)