Tula para sa aking mahal na ex

1.1K 9 0
                                        

Tula para sa aking mahal na ex

Gumigising ako ng umaga na umaasang may mensahe ka. Excited na iche-check at nadidisappoint kung wala pa.

Babangon ng malungkot. Maliligo sa napaka lamig na tubig at maaalalang mas malamig ang pagmamahal mo.

Magbibihis. Titingin sa salamin. Kinakausap ang sarili. "Isang bagong araw nanaman na kakayanin ang sakit at bigat ng dinadala ng dibdib ko."

Madalas ayoko ng mapag isa. Kung hindi mga kaibigan, computer ang kaharap. Ayaw ko kasing maalala ang lahat ng mga masasayang araw na kasama ang babaeng isa sa aking naging pangarap.

Sa pagkakaalam ko'y naibigay ko naman ang lahat. Ngunit ang lahat na iyon para bang sayo'y hindi pa sapat.

Nangangatog ang tuhod noon sa gutom maibigay lang ang tsokolateng gusto mo. At kapag wala'y inaaway mo ako.

Ni-minsan hindi ko kinwestyon kung mahal o minahal mo ba talaga ako. Kahit harap harapan mo ng ipinamumukha sa akin na gusto mong bumitaw nalang sana ako.

Minahal kita at iningatan ng higit pa sa sarili ko. Ngunit, nakakita ka lang ng mas matipuno'y iniwan mo na ako.

Ngayon, nabalitaan kong binuntis at iniwan ka lang niya. Kaya ngayon saki'y bumabalik ka.

Pasensya pero hindi na ako ganoon ka-tanga. Para tanggapin ang babaeng itinrato akong parang aso noon, t*ngina ka. 🌵

M. Lopez
2010
Institute of Arts and Sciences (IAS)
FEU Manila

The FEU's Secret FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon