Tadhana

1.7K 20 1
                                        

Tadhana

"Destined ba kayo kung nakilala ko ang taong gusto kong makasama habangbuhay eh nakilala ko lang sa Tinder? Na pareho kaming nag-aral sa Makati pero pareho din kaming nakatira sa likod ng SM North?

Tadhana ba ang tawag sa pareho kayo ng course at pareho kayo ng sem na pinagtranfer-an?

Tadhana bang malaman mong iisang kanto lang ang layo ng bahay nila sainyo? Na malaman mo rin na pareho kayong chinese at galing sa conservative na pamilya?

Coincidence lang siguro. Pero paano kung pareho kayong galing FEU-EAC bago kayo lumipat sa Makati at parehong kurso na tinake doon, hindi pa ba destiny yun?

OA na yata ako. Pero paano kung pareho din kami ng school na pinanggalingan nung elementary days ko? Well, hanggang elementary lang naman ako doon at nagtransfer siya sa school ng HS.

Parehong kami muntik ng mapariwara, nagrebelde at naging pasaway sa magulang. Pero bumawi at nagbago na bago pa namin makilala ang isa't isa. Tadhana pa bang matatawag yun?

Hindi ko alam kung destiny, fate, tadhana, soulmate o kung ano pa man ang tawag doon. Siguro yun na nga iyon. Matagal na kaming nasa iisang lugar simula noong mga bata pa kami. Pero ni minsan hindi nagkrus ang landas naming dalawa. Ito yata yung tinatawag na ""Meeting the right person at the right time""

Hindi namin parehong gustong mainlove sa isa't isa. Sino ba ang naghahanap ng True love doon diba? Pero marahil oras na rin ang nagtulak sa aming dalawa at masayang Masaya ako dahil nakilala ko ang boy-version ko. Masaya rin akong sabihin na mahal na mahal ko siya, katulad ng pagmamahal ko sa pamilya ko.

Naalala ko pa nung panahong magpapasko na, hiniling ko sa Diyos na sana ibigay na niya yung taong para sa akin, na yun na pang Christmas gift niya sa akin. Agad-agad naman niyang ibinigay. smile emoticon

Laking pasasalamat sa Tinder at nakilala ko ang soulmate ko. Kaya kayong mga single, wag kayong mawalan ng pag-asa! Haha!! smile emoticon

xoxo"

MLIN
2013
Other
FEU Tech (FIT)

The FEU's Secret FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon