IDOLO - IBOTO
"Pinanganak akong may sariling pagkatao, utak at puso. Ako rin naman ay may sariling opinyon at desisyon para sa sarili ko at sa kinagagalawan ko.
Alam naman natin na ang mga CELEBRITY ay may malakas na kapit, ang aking ibig sabihin ay maaring makaapekto sila sa paniniwala ng isang tao. Kumbaga malakas ang kanilang IMPLUWENSYA. Pero TAO din sila tulad natin na may sariling desisyon sa buhay na minsan ay gusto naman nilang gampanan at PANINDIGAN.
Salungat man sa atin lalo na kung paborito natin sila at ikaw ay di sangayon sa kanyang desisyon at naiisip mo ang "BAKIT" siguro ay magagalit ka, pero hayaan natin sila. Ikaw ba pinakialaman ka ba desisyon mo? Siguro nga ay hindi ka sikat, hindi ka kilala at wala kang maiimpluwensyahan. Pero sa totoo lang, simple ka mang tao maari ka pa ring maka Impluwensiya sa paligid mo.
Nakakapanghina ang nangyayari sa mundo ng social media. Kung bumagsak man ang kalidad ng CELEBRITY na tinitingalaan mo, kung pagkatapos ng ginawa nya ay hindi mo na siya paborito. Wala tayong magagawa desisyon mo 'yan. Kung pera man ang dahilan, wala tayong magagawa desisyon nya yun. Kung may personal man siyang intensyon, wala tayong magagawa desisyon nya yun. Kung sadyang gusto nya ang kandidatong yun at AYAW MO, wala tayong magagawa desisyon nya yun.
Siguro nga IMPLUWENSYA ang labanan dito. Pero tao din sila kailangan nilang magdesisyon at manindigan para sa bayan nila.
Ito lang ang masasabi ko, wag ka puro comment na wala man lang basehan. Hayaan na natin ang kanilang desisyon at paninindigan. Idolo mo man sila, na sa iyo pa rin ang huling salita para sa iyong desisyon.Basta WAG KA KASI PURO FACEBOOK MAGBASA KA AT MAGRESEARCH KA PARA ALAM MO ANG BASEHAN NG BOTO MO."
WAGKANGPABEBE
2010
Institute of Arts and Sciences (IAS)
FEU Manila
![](https://img.wattpad.com/cover/59907582-288-k718689.jpg)