Parents <3

1.2K 15 1
                                    

Parents heart emoticon

"20/1/16 1:09am

Maiba naman Usapang Parents naman tayo!
Saludo ako sa Parents ko Papa at Mama,

Tumawag Si Papa

Non-verbatim:
A. Pa, hindi ako uuwi may pasok pa kami mamaya.

P. Huh? Anong oras pasok at anong oras ka aalis dyan?

A. 12 hanggang 1:30. Mga 10 ako aalis ng bahay.

P. O sige, sige na.

At dahil nasa gitna na ako ng pagtulog, bumalik ako ng higaan. Tinignan ko kung anong oras na sa Ipad ko, nagtaka ako bakit 10pm palang e ang alam ko kanina pa ko tulog. Tinanong ko pa tita ko kung anong oras na talaga pero tama raw na 10:19pm palang.

Syempre nakatulog na ko ng tumawag nanaman si Papa 11:42pm. Nainis pa ko this time, sa loob loob ko bakit pa gising sila papa e gabing gabing na?

Non-verbatim:
P. O Nak, saan kana? Nandito na kami sa Santolan station. Nasa school ka na ba? Nag-eexam na kayo?

A. Huh? (Mejo di pa nagsisink-in-kakagising lang e)

P. Gusto mo dumiretso na kami ni Mama mo dyan sa FEU? Sunduin kana namin baka wala kana kasing masakyan.

A. Hala Pa! Nasa bahay(antipolo) pa ko.

P. Ano? Akala ko ba may pasok kayo ngayon? Exam niyo?

A. Hala! Sabi ko bukas pa Papa e.

P. O! Kausapin mo Mama mo.

M. Nak! Sabi ng Papa mo may pasok daw kayo exam niyo pa nga?

A. Opo yun nga sinabi ko kay Papa kanina. Ang sabi ko pa nga. Pa, hindi muna ako uuwi mamaya nalng may pasok pa kami, exam namin. (Nakikipagtalo pa ko haha)

M. Bakit sabi ng Papa mo ngayong araw daw. Epic mo talaga Nak! Kahit may nararamdaman Papa mo bumangon talaga yun at nagmamadali pa para lang magpangabot tayo. Yun pala bukas pa ang pasok mo, Naalipungatan ka siguro at hindi mo nasabing bukas pa sa Papa mo.

A. (Natatawa-tawa pa pero umiiyak na talaga ako sa mga sandali na to) Mama naman e may sinabi talaga akong bukas kay Papa kanina o wala. Hindi na alam kakagising ko lang kasi baka nga naalipungatan talaga ako.

M. Nakakaloka ka Nak! Buti nalang nagtext ang tita mo na natutulog kana kaya bigla kaming kumalma ng Papa mo at hindi dumiretso sa Feu.

A. Bakit kasi hindi kayo tumawag ulit kanina? Para natanong/naklaro?

M. Dapat nga magpapaload muna ang Papa mo e kaso ayaw niyang sayangin yung oras kasi inaalala ka niya kaya ayun dalidaling buksan yung gate at niready na yung sasakyan.

A. Hala Ma! Grabe kayo. Wala akong masabe (umiiyak)
(Nakuha ko pang magbiro) may school bang bukas ng 12? Mama naman e

M. E ano bang malay namin ng Papa mo, tsaka exam mo yan mahalaga yan.

A. Grabe talaga! (Puro grabe nalang nasasabi ko, speechless na talaga ko nyan)

M. O sige na tulog kana. Pagaling ka ha! O God bless sa exam ninyo. Love you anak!

A. Awe! Grabe talaga kayo Ma! Sige na. Ingat kayo sa biyahe pauwi. I love you Ma at Pa!

Shinare ko lang tong experience ko na to dito kasi ang SOLID lang talaga! Hindi ako makapaniwala na gagawin ng Parents ko yun. Ang layo ng biniyahe nila galing Rizal (other areas of which not antipolo in particular) para lang masigurong ligtas at okay ako. Sobrang over-whelming ang pakiramdam na mahalin ka ng sobra ng mga parents mo ng ganito. I'm blessed and beyond grateful to have my beloved parents! Kahit na hindi ko masuklian ng todo yung mga sakripisyo nilang ginagawa sakin- I mean sa acads, di ako scholar madalas kung minsan pasang-awa lang mga grades ko- hirap kasi ng course (alam mo na yun). tamad pa sa bahay. In short slight walang kwnta- puro aral lang alam sa bahay hindi man lang kumikilos ng house chores.

Papa't Mama, Thank you so so so much for the _ . You're my strength, inspiration and motivation! Always. kiss emoticon

Sana mapost ito at dahil alam kong matagal pa yon. Advance Happy Happy Birthday sa Papa ko sa 17. ((:
"

Tate
2013
Institute of Accounts, Business, and Finance (IABF)
FEU Manila

The FEU's Secret FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon