My Nurse
Nagmamadali ako nun pumasok. Ako kasi yung estudyanteng GC, strict kasi ang parents ko at malaki ang expectations nila sakin. Mga ate ko kasi graduate ng may honors sa mga prestigious universities, kaya lumaki akong never umabsent sa klase at never din na-late. Kahit may sakit ako pinipilit kong pumasok kunwari okay lang ako kahit hindi basta makapasok lang. So yun. Haha! Lumiko na yung istorya.
Yung araw na yun pag labas palang ng bahay takbo na ako ng takbo. Male-late na kasi sa klase. Quiz pa nun sa pinaka masungit naming prof na hindi nagbibigay ng special quiz at exam. Pag sakay ko ng bus hindi na ako maka hinga. Hanap ako ng hanap nung inhaler ko sa bag. May hika kasi ako. Lahat na ng bulsa ng bag ko naka bukas na pero hindi ko talaga makita. Naalala kong naiwan ko pala sa bahay kakamadali. Dumating na sa point na talagang wala ng hangin. Hindi na talga ako makahinga. Sumigaw na ako "tulong hindi ako maka hinga" Gusto ko ng mag padala sa ospital. Nag she-shake na talaga buong katawan ko. Naka pikit na ako. Akala ko mamamatay na talaga ako kasi ang layo pa ng ospital sa place kung nasan kami. Naririnig ko nalang yung mga tao sa paligid ko na natataranta at pinapaypayan ako. May narinig din akong lalaki na sumisigaw at naghahanap ng brown na paper bag. Hanggang sa wala na akong narinig at nawalan na ako ng malay.
Napa dilat nalang ako at nakita ang isang lalaking naka puti na sobrang good looking na pilit akong inuupo at ginigising para huminga sa hawak niyang brown paper bag. Naisip ko nga nun. Nasa langit na ba ako? Bat may mukhang anghel dito? Habang humihinga ako at nirerevive naka tingin lang ako sa kanya. In the end, naging okay ako. Pero nung ngumiti siya sakin nang palakpakan siya ng mga tao sa pgiging savior niya parang gusto kong mamatay ulit. Haha! Ang landi lang e no. To be honest, umabot ako ng 20 years old noon at yun ang first time na naka appreciate ako ng pagiging good looking ng isang lalake. Ganun nalang siguro ako ka-focus sa pag aaral at ganda lang ng libro ang naaappreciate ko.
Won't tell our story in detail because it's quite long. But that day is the most memorable day because I met my real life superman. I found out that he's a nurse. He took care of me. He brought me in a hospital. He made a move to get my contact number and now, we're in a relationship for already three years.
Grumaduate ako at naka tanggap ng honor na nanonood siya. Yun na ata ang pinaka masayang araw sa buhay ko. Makuha ang pinapangarap kong honor, makita ang parents kong proud sakin at makilala ang first and last love ko. 💕
M.P Tan, RPm
2008
Institute of Arts and Sciences (IAS)
FEU Manila