Wasak
"Okay class. Next meeting na ang long quiz niyo. Mag-aral mabuti."
Dahil nga scholar ako, todo aral talaga akong mabuti. Sobrang pinaghandaan ko talaga ang quiz na yun kasi 1st quiz yun so hindi ko pa talaga alam kung paano magpaquiz yung prof na yun
So eto na nga. Wednesday na. ""MATH"" na. Pinaayos muna upuan. Magkakalayo para walang magkopyahan. Binigay yung papel.
Number 1, alam ko pa
Number 2, pwede pa.Aba hinayupak nung number 3 na hanggang 10, wasak na talaga! Yung feeling na yung mga questions dun sa quiz, lesson pa namin next meeting. Tapos may nagtanong , ""**** paano po ba ito?"" alam niyo sagot niya?
""Next meeting ituturo ko. ""
Eh bakit naman ganun? Binigyan niyo kami ng quiz na ang mga topic hindi pa natuturo. Buti sana kung sinabihan niyo kaming mag-advance reading e. Kaso wala.
Kaya ngayon, nagdarasal ako gabi-gabi na pumasa ako. Lord, please. 1 &2 lang ata sure kong sagot dun. The rest, hula na lang. Yung scholarship ko, sayang ;::;"
EXO-LOVE
2015
Other
FEU Tech (FIT)