Fries pa more!

2.5K 46 2
                                    

Fries pa more!

"Friday night, nanood kami ng pinsan kong bading ng Haunted Mansion eh ang ingay ni bakla so harutan kami ng harutan eh medyo siksikan. So yun na nga, habang nanonood kami ang nangyayari nauuna lagi yung sigaw ko sa nakakatakot na scene, (OO, ANG PANIRA KO TALAGA OH OKAY NA BADING?) tapos medyo naasar ata sakin yung mga katabi naming mukhang kaidad din namin so ganern tumahimik ako. Mga rich kid kasi yung mga lalaking katabi namin. Eh di nood nood lang ang peg ko tapos andon na kami sa scene na puro nakakatakot na talaga tapos medyo na-overwhelmed ako sa scenes eh di padami ng padami ang kuha ko dun sa katabi ko ng potato fries tapos nung kakaunti na yung makapa ko, dahil share lang kami ni bading kinuha ko naman yung large juice niya kasi yung akin medium lang ubos na. Eh di nagtaka ako walang nagsasalita sa mga katabi ko as in tahimik talaga eh nakakatawa ang scenes pero keber lang so kapa kapa ulit ng fries tapos napansin ko wala na, walang lingon-lingon sa katabi nagtanong ako:

""Bading, bakit ang liit ng size mo?""

Me? Referring dun sa size ng fries. Pero nagtaka ako biglang bumurga ng tawa si bading yung may tunog baboy sa ilong ganern! Lumingon ako sa kanya. Tapos laki talaga ng mata niya.

""Georgina...hindi yung fries natin yang kinakapa mo.""

Tapos parang natauhan ata ako, napalingon ako sa katabi kong lalaki, medyo naka-awang lang yung labi nung lalaki tapos biglang ngumiti niwagayway niya yung lalagyan ng fries tapos ininuman yung drinks na hawak niya.

""Inubos mo nga pala ate yung fries namin. Tsaka sarap ng inom mo sa drinks ko no? Favorite mo din ang mountain dew?""

Hindi pa talaga tapos yung movie hinigit ko na si bading alam niyo yung pahiya? Ako yun e pahiyang pahiya ako. Potek nakakahiya sarap magpalamon sa lupa. Anak talaga ng kutsinta bakit kasi ang daming nanonood ang crowded tuloy sa iba ako napapakuha ng pagkain. Hindeeeee, Potato corner talaga may pakana

Tapos, e di pasara na, walang habas akong tinutukso ni bading. Sabi niya pa baka naman daw dumada-moves o bumi-breezy lang ako at gwapo yung mga katabi namin sabi ko tangina bi-breezy na lang ako hindi na ako magpapamukhang patay gutom duh.

Akala ko, hindi ko na ulit siya makikita eh nasa H&M kami, namimili ng damit ni bading sa male section nakarinig kami ni bakla ng asaran. Sabi pa, nong isa

""Maliit pala yung size ng fries mo e!""

Tapos hagalpakan eh nakita nila kami. Shet na malagket, nag-wave samin yung mga kasama niya tapos nakikitawa pa siya. Hindi nakakatuwa. Hindi talaga. Hindi na talaga ako kakain at iinom sa loob ng sinihan.

Lesson? Tingnan kung saan ka kumukuha ng pagkain pag nanonood ng sine ng hindi ka mapahiya. Leche. "

Georgina
2005
Institute of Architecture and Fine Arts (IARFA)
FEU Manila


The FEU's Secret FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon