The struggle is real.
"Nakakapagod man magreview,gumising,maligo,bumiyahe at pumasok sa school masaya naman kasi may natutunan ka. Kahit nakakastress yung lesson na ilang beses mo na binabasa,hindi mo parin makuha kuha dahil almost 24 hours ka ng gising,pagpasok mo tatlo or apat pa exam mo, pinagsabay sabay pa ang mabibigat na subject law,accounting,csr,Math of investment etc. tapos binigyan pa kayo ng reporting na isang araw lang pagitan ng binigay at araw na irereport. Mahirap man makisama sa mga kagroupmates mong hindi naman nagcocontribute ng kahit ano,pero pag pasahan ng gawa daig pa si flash kung makalapit sayo.
Hindi mo na alam ang tamang oras, pati spelling ng sarili mong pangalan minsan nakakalimutan mo na, imbes na true or false ang ilagay mo yes or no ang nasulat mo. Minsan antok na antok kana isasandal mo lang saglit yung ulo mo sa upuan makakatulog kana gigisingin ka nalang ng mga kabarkada mo pag tinatawag kana ng prof. for recitation. Pag uuwi ka pagod kana pero makakaamoy kapa ng putok. Yummy!
Quizzes na biglaan tapos hindi naman tinuro sabay Essay type pala then you only have 15 minutes to compose. Minsan pag uwi mo ng bahay gustong gustong gustong gusto mo na matulog pero bubungad sayo yung ' to do list ' mong nakapatong sa study table mo.
Yung classmate mong feeling niya nakikipag kompetensya ka sakanya. Utut niya! Pa humble outside pag nandyan ang prof. Pero todo yabang naman. utut mu!
sabi nga nila masasabi mo na 'WORTH IT' ang isang bagay na matagal mong pinaghirapan na mayroong magandang resulta. Marinig mo lang yung pangalan mo sa top 10,naka-60 or 75 or higher than 60/75 kahit nga masabihan ka lang ng "" very good "" or "" good "" ng prof ang sarap na pakinggan pero hindi nakakalimutan ang salitang "" HUMBLE "". Isa nalang masasabi mo "" THANKYOU GOD, WORTH IT YUNG PAGOD NATIN.""
HINDI MADILI ANG COLEGE LIFE,HINDI MADALI. HINDI TALAGA MADALI.
Pero kakayanin basta lagi ka lang kakapit at makikinig sa kanya, diba God?
Hanggang graduation at magkatrabaho ako magasama tayo!!THANKS GOD."
Nescafe
2014
Institute of Accounts, Business, and Finance (IABF)
FEU Manila