Faithful Boyfriend ❤

2.9K 56 5
                                    

Faithful Boyfriend

"Gumawa kami ng friend ko ng poser account. Titingnan ko kung papatol yung boyfriend ko. Wala namang akong balak paglaruan sya at pagmukhain syang tanga. Siguro dala na rin ng past experiences ko kaya ko nagawa to. Soooo yun Magandang babae talaga yung ginamit namin!!!! (Pasensya na sa babaeng yun sorry talaga) at ayun syempre nag add muna ko ng kung sino sino para hindi halatang poser etc.

at eto na ngaaaa minessage ko si boyfriend. Di sya ma add eh haha! Nag ""hi"" ako. Pagkacheck ko, ABA BLINOCKED YUNG POSER! Wala man lang pagtanong kung ""sino ka?"" HAHA! Tapos chinat nya ko para sabihing tapos na sya magbasketball. Tapos ang sweet sweet nya nung time na yun. Wala namang syang ginawang masama. __

Grabe lang yung tuwa at kilig ko nung gabing yon. Una pa lang alam ko hindi nya papatulan yon. alam mo naman kung gaano kasungit at suplado tong boyfriend ko eh hahaha! Talaga ngang hindi nya masisikmurang lokohin ako at naniniwala ako don kasi ayun talaga nakikita at nararamdaman ko sa kanya, kaya nga pinili ko sya. Awwee I love you mahal!"

Memeru
2012
Institute of Accounts, Business, and Finance (IABF)
FEU Makati


The FEU's Secret FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon