Panaginip
" Napanaginipan na naman kita. Pupunta raw ako ng school para dalhan ka ng pagkain, baka gutom ka na kasi sa night class mo.. masaya ako habang nagpeprepare. Sanay kasi ako na binibilhan ka ng pagkain, ayaw ko kasing nagugutom ka. Bigla akong nagising. Kinuha ko yung phone ko at excited na ikekwento yung napanaginapan ko, kagaya ng dati.smile emoticon Pero may nakalimutan ako...
Nakalimutan kong wala na nga palang tayo.
Ang sakit sakit. Bago matulog at pagkagising umiiyak ako na para bang namumuhay na lang ako sa isang bangungot. Buhay pa ako pero nararamdaman kong unti-unti akong nauubos, unti-unti na akong namamatay. Sana walang totoo sa nangyayari ngayon.
Sana hindi na lang totoo na iniwan mo ako."
Ms. P
2014
Institute of Accounts, Business, and Finance (IABF)
FEU Manila