Love yourself

2K 18 1
                                    

Love yourself

Napakinggan ko sa jeep yung kanta ni Justin Bieber na Love yourself. Bigla nanaman tuloy nag flashback ang lahat.

Three months ago, hiniwalayan ko ang girlfriend ko. We've been together for three years and a half. First couple of months everything were more than fine. Pinaka nakakakilig naman talaga ay yung getting to know each other stage. Yung mga panahong hindi niyo pa inilalabas ang tunay nyong kulay. Yung mga panahong puro pa-impress pa. First year together, yan na yung mga pangako at mga plano sa isa't isa. Mainit pa yung pagmamahalan kumbaga, bagong lutong ulam.

Kaso sa ikalawang taon yan na. Nagkakalabasan na ng tunay na kulay. Away tampuhan araw araw. Ikatlong taon yan na yung stage para samin na naghihintayan nalang kung sino ang unang bibitaw para mapunta sa kanya ang guilt. Ako, ginawa ko lahat para hindi umabot dun. Araw araw sinusuyo ko siya, nililigawan, pilit binabalik yung init ng pagmamahalan namin na unti unting lumalamig. Kaso hindi effective. Wala na talaga. Sadyang sawa na talaga siya. Kahit anong gawin ko masama. Minsan siya nalang ang gumagawa ng butas para awayin ako at di ako pansinin ng ilang linggo.

Ilang beses din siyang nakipag hiwalay pero kinakapalan ko nalang talaga ang mukha ko na ipilit parin ang sarili ko at salbahin ang pinaghirapang relasyon. Kaso wala talaga..

Alam kong kung mahal mo ang tao dapat hindi ka mapagod. Pero alam mo yun? Isang taon at kalahating ako nalang ang kumakapit. Ako nalang ang gumagalaw. Paano ka naman gaganahan kung yung taong ipinaglalaban mo binabalewala ka na? Parang tsinelas lang. Isang pares. Isa nalang ang maayos. Yung isang pares sira na. Sumusuko na. Anong silbi nun? Hindi ba't kailangan mo ng itapon?

Napagod na ako. Iniwan ko siya. Ok naman sa kanya. Katunayan masaya na nga siya ngayon. Sumaya pa nga raw siya ng nawala ako. Pero okay lang. Kung masaya siya, mas masaya ako. Parang nabunutan ako ng tinik sa puso. Parang natanggal ang mga hollowblocks na nakapatong sa dibdib ko gabi gabi tuwing iniisip ko kung anong gagawin ko kinabukasan para mahalin niya ako ulit.

Kaya yung kanta ni Justin Bieber inaalay ko dun sa ex gf ko.

Tina, try to love yourself.

Josh
2009
Institute of Arts and Sciences (IA


The FEU's Secret FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon