BES

1.6K 16 0
                                        

BES

"June 2014 nung nag kakilala tayo, never kong inisip na magiging close tayo dahil may itsura ka. Naging mag kaibigan tayo hanggang sa umabot sa BES na ang tawagan natin sa isat isa. Pero habang tumatagal ang pagkakaibigan natin, mas lalong lumalim ang turing ko sayo, lagi kong sinasabi sa sarili ko na tama ba yung nararamdaman ko. Tama ba na mag ka gusto ako sayo kahit na alam kong imposibleng mag kagusto kadin sa akin. Natatakot din akong sabihin sayo ung nararamdaman ko dahil natatakot ako na baka mawala pa ung pagkakaibigan natin o ung magandang pag sasamahan natin. Natatakot ako na baka pag nalaman mong may gusto ako sayo ay layuan mo ako o mailang ka sa akin. Kaya itinago ko na lang ang nararamdaman ko. Yung akala kong simpleng crush lang, hindi lang pala dun nagtatapos un. Mas lalalim pa pala ang pag ka gusto ko sayo. Pero nilihim ko pa rin yun sayo.

September during our breaktime, lumapit ka sa akin, masayang masaya ka nung tinatawag mo ako dahil sabi mo may maganda kang balita. Hanggang sa sinabi mo ang balita na yun. Balitang bumasag sa puso ko. Sabi mo ""bes! may nililigawan nako. Tinanong ko siya kung pwede ko siyang ligawan at pumayag sya! Ansaya ko bes!..."" ngumiti ako at sinabi kong ""congrats bes, Maswerte sya sayo"" hindi kapa nakuntento at ipinakilala mo pa ako sa kanya. Hindi mo alam kung gaano nadudurog yung puso ko ng mga oras na yun. Pinilit ko paring wag maapektuhan sa mga nangyayare nung araw na yun.

Hanggang sa patuloy mo syang niligawan at tuluyan ka na nyang sagutin. November 19, 2014 nung sagutin ka nya at chinat mo ako para ibalita sa akin ung importanteng pangyayari sa buhay mo. Nasaktan ako ng sobra. Naiyak ako. Pero sinabi ko sa sarili sino ba naman ako para umiyak at masaktan, e best friend mo lang naman ako. Wala akong karapatang masaktan. November 29 birthday ko. wala akong kaalam alam na susurpresahin mo ako. May lagnat ka, hindi ka nakapasok ng maaga at hapon kana pumasok para sa hinanda mong surpresa sa akin. Kinonchaba mo ang mga kaklase natin, gumawa kayo ng banner, binilan moko ng cake, kinantahan mo ako sa harap ng maraming tao. Hindi mo alam kung gaano ako kasaya ng araw na yun, kung gaano ako umasa na may feelings ka din sakin kahit konti. Pero hindi ako nag pahalata dahil ayoko makasira ng relasyon ninyo. alam kong masaya ka sa kanya at masaya din sya sayo. Kaya nga sinabi ko sa sarili ko, ang tanging birthday wish ko lang ay alagaan ka lang nya, wag ka nyang saktan. Kumbaga malaman ko lang na masaya ka masaya na rin ako. kuntento nako sa kung anong meron tayo.

Hanggang sa bago mag pasko, nag chat ka sakin at sinabing break na kayo. Humingi ka sakin ng advice kung anong gagawin mo. Hindi ko inisip ang feelings ko sayo ng mga oras na yun. Dahil alam ko na kailangan mo ng payong kaibigan. Kaya kinalimutan ko ang nararamdaman ko sayo at binigyan ka ng advice na habulin sya at makipagbalikan ka. Kahit masakit sakin na nakikita kang nasasaktan ng dahil sa kanya tiniis ko. Sinasabi ko sa isip ko na sana ""ako nalang. Ako nalang ang mahalin mo""

Ginawa ko ang lahat para hindi mo maramdaman ang lungkot ng pagkahiwalay niyo. Sinasamahan kita araw araw kapag mag babasketball ka, mag lalaro ka ng LOL at pupuntahan ang mga kaibigan mo. ako nag dadala ng bag mo kapag nag babasketball ka, nasa tabi mo ako kapag nag lalaro ka ng video games. Ganun kita sinuportahan. Hanggang sa sinabi mong nag kakagusto ka na sa akin. Tinanong kita kung seryoso ka ba sabi mo oo. hindi mo alam kung gaano ako kasaya ng araw na yun. Hindi ko alam kung nananaginip lang ako ng mga oras na yun. Niligawan mo ako, pinaramdam mo sa akin na mahal mo ako. Makalipas ng isang buwan naging tayo. Bawat araw pinaparamdam ko sayo kung gaano ka kahalaga sa akin. Ikaw ang kaunaunahang lalaking pinag effortan ko. araw araw, hindi ako nagkulang maiparamdam lang sayo na mahal kita. Hanggang dumating yung araw na, tatlong araw kang hindi nag paramdam, ni text, chat wala akong natanggap mula sayo. Nag chachat ako pero sineen mo lang. Hindi ko na alam kung anong nangyayare sayo. Nang bigla kang nag chat sa akin ng "" ayaw mo na "" nung mga oras na yun, alam ko na ang ibig mong sabihin pero nag bulagbulagan ako sa nabasa ko. Tinanong kita kung ano ang ayaw mo na, at sumagot ka na "" break na tayo, Ayaw ko na. "" hindi mo inexplain kung bakit. May nasabi bakong masama, kung may pagkukulang ba ako sayo? Iyak ako ng iyak. Hindi ko alam kung saan ako mag sisimula. Hindi ko alam kung pano ako makakapag move on sayo. Hindi mo man lang ako binigyan ng dahilan at higit sa lahat, sa chat ka pa nakipag hiwalay.

Makalipas ang 7months. Okay kana, masaya kana. Samantalang ako nandito parin at umaasang babalik ka at sasabihing nagkamali ka ng desisyon. Kasi hanggang ngayon mahal parin kita. Handa akong kalimutan ang lahat ng ginawa mo, Tatanggapin kita ulit, mag sisimula ulit tayo. Umaasa ako na magiging ok pa tayo. Kahit bilang mag kaibigan nalang. Pero ngayong magtatapos na ang 2015 sinabi ko na sa sarili ko, tatanggapin ko na, Na wala na talaga, hindi na mangyayaring babalik ka pa. Sapat na siguro ang 7months ng pag aantay ko sayo. Handa nakong bitawan ka ng tulyan. Gusto kong malaman mo na wala akong pinag sisisihan na minahal kita. Lahat ng oras na nakasama kita, lahat yun ay napaka gandang alaala para sakin. Hanggang sa muli BES."

Aly
2015
Institute of Accounts, Business, and Finance (IABF)
FEU Manila

The FEU's Secret FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon