The Open Letter
Nabasa nyo na ba yung open letter para sa isang direktor na minura daw yung talent/extra?
Sa totoo lang, hati ako sa kanila eh. Kasi alam ko ang hirap ng mga taong nasa produksyon bago makabuo ng isang magandang obra para sa telebisyon at pelikula. Gaya ng sabi sa sulat, kultura yun sa showbiz. Normal na kumbaga. Hindi ko basta masisi si direk. Stress kasi eh. Iniisip ko nga kung ano kayang reaction ng mga boss nila? Kibit-balikat na lang? ewan.
Hindi naman din natin pwedeng sabihin na mali si Sir o yung girlfriend nya dahil ipinilit lang ng coordinator na isali si Sir para substitute. Walang alam si Sir sa kultura ng showbiz, kaya naculture shock sya.
Pero may punto sya. Dahil ba hindi sikat, ganun na tratuhin? Napanood nyo yung EKSTRA ni Vilma Santos? Ganun ang pagtrato sa mga extra. Ganun ang buhay extra.
Yung murahin ka ng ilang beses sa harap ng maraming tao, nakakababa ng pagkatao yun. Parang napakawalang kwenta mong tao. Parang iyon na ang depinisyon ng personalidad mo. Nang dahil lang sa kakaunting pera at konting exposure, yun ang kapalit ng pagkatao mo.
Hindi naman nanghihingi ang mga extra ng treatment na parang sa mga sikat na artista eh, yung respeto lang at yung pagiging makatao. Yun lang.
Extra
2009
Institute of Arts and Sciences (IAS)
FEU Manila