MODUS

1.6K 17 0
                                    

MODUS

This happened last year I think it's month of november,
So simulan ko na yung kwento.

galing ako ng divisoria nag aabang ng jeep na masasakyan paputang morayta, sa sobrang dami namin nag aabang medyo mahirap sumakay at kung makasakay ka man panigurado para kayong sardinas sa loob ng jeep, after half hour ng pag hihintay may nasakyan na nga akong jeep papuntang morayta, traffic non kaya medyo matagal ang byahe hanggang makarating na nga kami ng avenida at don nag babaan na yung ibang pasahero medyo lumuwag na din yung loob ng jeep na sinasakyan ko, then may student na sumakay formal ang soot niya, mukhang mayaman manamit at maayos talaga ang dating medyo malambot sya kung ikukumpara sa isang lalaki kaya sa tingin ko parang may pag ka-silahis ang dating niya pero hindi lantad na bakla ang dating sa ayos ng pananamit niya, ayon nga pag sakay niya (sa tabi ko sya umupo malapit sa likod ng jeep,) unang napansin ng mga kapwa ko pasahero eh yung bag niya na may laslas, nalaslasan daw sya ng bag, after non he checked yung bag niya kung andon pa yung wallet niya, ayon wala na nga daw pero ang phone niya andun pa, ang ganda ng cellphone niya i think iphone 6plus yun, tinanong sya ng ibang pasahero sa jeep kung saan pa sya umuuwi sa santa rosa laguna daw to be specific at wala na daw sya talagang pamasahe para makauwi, tinanong din kung may kaibigan sya na malapit dito wla din daw at talagang uwian lang sya madaming nag abot sa kanya ng pera para lang makauwi yung iba inilibre pa sya ng pamasahe sa jeep ako naman nag mamasid lang sa kanya, hanggang makarating na kami ng morayta at doon na nag babaan yung mga pasahero pati din si kuya na student.
After ilang months muli ko sya nakasakay this time sa SM San Lazaro Tayuman naman, kasama ko na mga katrabaho ko papunta ng meeting area sa Balic-balic same story nalaslasan raw sya ng bag ang formal pa din niya tingnan naka red na suit at violet na Jansport Bag wallet niya raw ang nakuha at tanging cellphone na naman ang natira sa knya taga santa rosa laguna daw siya at wala na pamasahe yan ang sagot niya nung tinanong ng head ko kung saan siya umuuwi at kung mag kano daw pamasahe at saan siya sumasakay pag pauwi sabay abot ng pera ng head ko at ng isa ko pang ka trabaho, libre na naman yung pamasahe niya at dun na siya bumaba sa espana sa may mang inasal, after non nag salita ako sa loob ng jeep,. Kilala ko sya, modus niya yan nakasakay ko na sya dati at same lahat ng panloloko niya na ginagawa, pag sabi ko non lahat sila nag salita na kung ano-anong sa loobin nila, si God na daw bahala sa knya sa ginagawa niya at maagang pamasko na lang din daw.

Ayun lang ingat ingat na lang next time, hindi lahat ng maayos manamit eh desenteng tao yung iba mapag samantala lang. Malay niyo makasakay niyo din sya alam niyo na gagawin niyo.

Netizen
2010
Other
FEU Diliman

The FEU's Secret FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon