Para sa gobyerno at mga pulitiko
"Inutil na ba tayo sa panloloko ng gobyerno,
Saan napunta ang pondo?,
Nuong nagbigay donasyon ang buong mundo,
Para sa nasalanta ng bagyo.Na pinakinabangan lang ng mga pulitiko,
Na walang pakialam sa mga tao,
Sa mga sundalo na kanilang buhay ay binuwis,
Sa mga taong nagbabayad ng buwis.Harap harapan na tayong ginagago,
Nuong namatay ang apatnapu't apat na sundalo,
Nasaan ang pangulo?,
Pero sa walang kwentang bagay ay nakuhang dumalo.Naitatanim na rin ang bala sa ating paliparan,
Sa mga padala sa atin na walang paaalam na binubuksan,
Sa pila ng tren na mas mahaba pa sa sinehan,
Sa trapiko na mapapatunayan natin na mayroong walanghanggan.Malapit na naman ang halalan,
Kaya sila ay nagpaparamdam na naman,
Na kunwari ay may pakialam sa nasasakupan,
Upang makamit lamang ang inaasam na upuan.Sana maging matalino na ang mga tao sa kanilang iboboto,
Pero hindi lang naman dapat ang isisi sa gobyerno,
Kailangan din natin sumunod at maging disiplinado,
Upang makamit ang inaasam na pag asenso."Concerned Citizen
14
Other