Femme Fatale

2.2K 25 0
                                    

Femme Fatale

"Nabasa ko yung story ni PauLiar. He said that he's a womanizer. Ako? I'm a femme fatale.

Naging ganito ako nung nagbreak kami ng ex ko. He cheated on me then after a month sila na nung third party. Ilang beses na din akong naiwan sa ere at ginawang third party ng hindi ko man lang nahalata. Simula noon, Nag-iinom ako pero I don't smoke. Madalas ako nasa bar with friends at syempre hindi mawawala dun yung pagiging flirt. I admit. I flirt because it satisfies me. Just flirt. Syempre pag nasa bar lang.

Sasabihin ng iba syempre, iniwan ka lang lumandi ka na. Pagkatapos ng mga sakit na naranasan ko, naging manhid na ako. Natuto akong makipaglaro sa mga guy na naka-encounter ko. Alam ko yang mga galawan ng ibang lalaki. Nang dahil din dun, hindi ko na kayang pumasok sa relasyon. Madami akong na friendzoned na palagi kong linya,""Hindi ko pa kayang makipagrelasyon."" O kaya naman,""Wag kang maiinlove sakin. Lalayuan mo lang din ako kasi di ko masusuklian yung pagmamahal na ibibigay mo."" Takot ako na, what if matulad nanaman yung nangyari sa dati?

Madami na akong nahalikan. Oo hanggang halik lang. Bakit? Dun ako masaya eh. I love to tease. Contented na ko marinig sa,""Ang galing mong humalik."" ""Ang sarap mong humalik."" Marinig ko lang yun, it gives me satisfaction. There's this guy na na-iintimidate daw siya because ang taray ko sakanya pero sa iba hindi. Sabi ko nga, alam ko na yung mga galawan na yan. Kahit ganito ako, alam ko limitations ko.

Minsan naiisip ko na sana pag nagmahal ako ulit, sana sa taong worth it. Yung lalaking ipapakilala ko sa mga magulang ko sa sobrang proud sakanya. Yung lalaking kahit puro basketball, LoL, Dota man yan o inom na hindi makakalimot na may taong naghihintay sakanya umuwi ng safe.

I know may magsasabi dyan na bakit hindi na lang isa sa na-friendzoned ko. Di ko po kayang isugal ang pagkakaibigan namin kung di ko talaga kayang mahalin higit pa sa pagiging magkaibigan.

Future guy: Sana pag nakilala na kita, sana matanggap mo kagagahan ko. Hehehe. Wag kang mag alala kapag dumating ka na sa buhay ko, ikaw yung kauna unahang lalaking ipapakilala ko sa mga magulang ko.

PS: Any term referring to a women to chases or charms men has extremely negative connotations (e.g. slut; seducer). Guys! Femme fatale is simply a positive way to describe a woman's attractiveness. Which, again, falls into the category of the women luring men instead of chasing after them and winning their hearts through charm. "

Future MD
2015
Institute of Arts and Sciences (IAS)
FEU Manila


The FEU's Secret FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon